Eleven

1621 Words

MAG-ASAWA sa papel lang. Malinaw kay Lemuella na ganoon sila ni Marrio. Ang dahilan ni Marrio sa secret married na iyon, malabo pa sa tubig baha. At walang clue si Lemuella. Hindi na niya makausap nang matino si Marrio pagdating sa bagay na iyon. Naisip na lang niya na okay nang humarap sa pamilya niya ang lalaki. Matatahimik ang loob ng mga mahal niya sa buhay. Hindi mag-aalala sa biglaan niyang pag-aasawa at pag-alis ng Pugad Agila. Ang naging pansamantalang kapalit niya sa trabaho sa Pugad Agila ay mukhang nag-eenjoy na. Ipinapanalangin yata na huwag na siyang bumalik pa. Assistant si Lemuella ng nurse sa Health Center ng Pugad Agila. Hindi siya licensed pharmacist pero may alam siya sa mga gamot. Highschool nga lang ang natapos niya gaya ng dalawang pinsan pero may mga trainings sila.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD