Twelve

1085 Words

Masayang kausap si Jamir. Tungkol sa modelling at showbiz ang topic nila sa mga unang minuto. Ang dami nitong kuwento tungkol sa mga exciting at bad experiences daw nito bilang model. Ang gaan siguro ng usapan nila ang dahilan kaya hindi namalayan ni Lemuella na napunta na sa kanya ang topic, at naikuwento na niya kay Jamir ang three months deal nila ni Marrio. Mabuti na lang talaga at napatigil siya at natauhan nang magtanong ang lalaki kung ano ang kapalit ng three months niyang magiging maid ng kaibigan nito. "Secret na lang," ang magaang sagot niya kay Jamir. "Isipin mo na lang, nakatayo ako sa gitna—life and death ang pagpipilian. Pinili ko ang life, ganoon!" "Pinag-isip mo pa talaga ako, ah?" si Jamir na nakatawa. Tawa na lang din ang sagot niya. Itinikom na ni Lemuella ang bibig.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD