“MAY babae ka bang bisita, Loy?” hindi nakatiis na tanong ni Lemuella. Kanina pa niya napansin na paulit-ulit lang sa ginagawang pagwawalis si Loloy. Naglinis ito sa buong bahay pagkatapos ng almusal. Wala daw raket kaya magpapawis na lang muna. Practical ang kapatid. Bakit daw magbabayad pa sa gym kung puwede namang magpapawis—maglinis ng buong bahay kasama ang kubeta. Baguhin ang arrangement ng sala set pati mesa at mga silya sa kusina. Mag-push up habang nagfo-floor wax ng wooden floor at magbunot ng sahig na parang wala nang bukas. Ang galing lang talaga ni Loloy. Aliw na aliw siya sa kapatid kanina. At nang halos makita na nito ang sariling repleksiyon sa kinang ng sahig, paulit-ulit na lang na nagwawalis na parang ayaw man lang ng kahit katiting na alikabok

