Ang sumunod na eksena ay naglalakad na naman sila. Sina Isabelo, Phill at Vernard ay may mga dalang pang hukay ng lupa. Sa Tatang Eping ay kutsilyo at isang lumang bag na 'gamit pang gamot' daw ang laman. Papunta silang lahat sa open space na ilang metro ang layo sa bahay. Pagdating nila sa lugar-ang mismong lugar na nasa lumang litrato-ay itinulak nina Vernard at Phill ang bato. Naghukay na ang mga ito. Ilang minuto lang, iniahon na ni Isabelo ang...parang lumang treasure box. Binuksan iyon ni Tatang Eping at inilabas ang isang... Napakapit si Lemuella sa braso ni Marrio. Kung tama siya ay lalagyan ng abo ng isang namatay ang hinukay nila! "Ang abo ng nagpakamatay na kapatid ni Señorita Queen," sabi ni Tatang Eping. Binuksan nito iyon at inihulog sa loob ang singsing. "Dugo n'yo na lan

