MISTY na ang mga mata ni Lemuella sa umpisa pa lang ng sulat. Pakiramdam niya habang nagbabasa ay nasa tabi lang niya at nagkukuwento si Lola Pinang. Sa unang paragraph ng sulat ay inalala ng matanda ang una nilang pagkikita sa bus. Hindi pala nito nakalimutan ang ginawa niya. Mabuti raw ang puso niya gaya ng tingin nito sa kanya. Mahalagang bagay pala ang sinadya nito sa Pugad Agila. At ang pagtatagpong iyon ay hindi coincidence lang. Natigilan si Lemuella. Tinuyo ang mga luha para malinaw niyang mabasa ang mga kasunod na paragraphs. Sa tatlong Mahinhinon women, ikaw ang napili kong pagbigyan ng singsing, hija. Una sa lahat, may mabuti kang puso. Ako mismo ang nakakita ng kabutihang iyon. Ikalawa, nakita ko kung paano mo napikon ang apo ako. Gusto ko ng babaeng hindi titiklop sa kalokoh

