Note: Ang POV ni Marrio na ka-attach ng first scene (puwede n'yo balikan ang part 1) na nasa POV ni Ellah, nasa book. Kung na-notice n'yo, nag start ang story sa gitnang scene. Again, this is just a w*****d version. Thank you. :) NAPAPIKIT na lang si Lemuella matapos ideklara ng doctor ang time of death ni Lola Pinang. Hindi man kaano-ano, pakiramdam niya ay nawalan rin siya ng mahal sa buhay. Si Marrio na nasa tabi niya ay parang estatwang hindi tuminag. Hindi man niya mai-describe ng tama ang impact dito ng sitwasyon, bahagi ng sakit ay ramdam niya. Hindi kailangang magsalita ni Marrio para maintindihan niya. Maingat na hinawakan ni Lemuella ang kamay nito. Maingat na hawak na unti-unti niyang hinigpitan. Saka lang siya may naramdamang response mula kay Marrio—kinabig siya nito at mahi

