NAKAPIKIT si Lemuella at pinipilit patahimikin ang t***k ng puso. Nasa swing siya sa likod ng bahay nila, ang paboritong tambayan ni Loloy kapag nag-i-sketch ng mga sapatos. Mas nakakapag-isip yata ang kapatid sa lugar na iyon. Kung ang katahimikan, ang hangin, o ang mga dahon na nagkukubli sa lugar sa init ng araw ang dahilan, hindi alam ni Lemuella. Umupo siya sa lugar na iyon at piniling mag-isa para sa katahimikan. Na-realize niya, imposible pala iyon kung malinaw na nakikita niya sa isip ang masayang mukha ni Marrio. Nahagod ni Lemuella ang buhok. Ang lupit lang ni Marrio. Hindi na siya nagulat na expert liar ang bruho. Hindi man lang nahalata ng pamilya niya na nagda-drama lang. Paano kaya nagagawang makipagtawanan ni Marrio sa pamilya niya na parang okay sila? Lantaran lang namang

