PIGIL na pigil ni Lemuella ang sarili na kausapin si Marrio. Nate-tempt na siyang sirain ang usapan nila ni Jamir na hindi niya ipapaabot sa 'asawa' ang naging usapan nila. Gusto lang daw nitong ipaalam sa kanya iyon para may ideya siya kung imbitahan man siya ni Lola Pinang sa mga susunod na araw. Ang mga babae daw na na-link kay Marrio, inimbitahan ni Lola Pinang—at hindi na lumapit pa uli kay Marrio pagkatapos. Walang nakaalam kung anong ginawa ng matanda para lumayo ang mga babae. Maging si Marrio ay wala raw ideya. Hindi rin naman gawain ng lalaki ang i-pursue ang isang babae—dahil mga babae nga ang lapit nang lapit rito—kaya walang kaso kung dumistansiya man ang babaeng kinausap ni Lola Pinang. Hanggang nang sandaling iyon daw na magkausap sila ni Jamir, walang alam si Marrio sa gi

