"LOLA PINANG..." ang maikling nasambit ni Lemuella matapos mabungaran sa pinto ang seventy nine years old na lola ni Marrio. Dark brown na mahabang bestida ang suot nito, hanggang sakong. Walang kahit anong bitbit kundi makinang na tungkod at libro. "Wala po kayong kasama?" at maagap niyang inalalayan. Kumapit naman agad ang isang kamay nito sa braso niya. Inalalayan ni Lemuella ang matanda hanggang makaupo sa sofa. Binalikan niya nag pinto at ini-lock. "Hindi kayo dapat nagbabiyahe mag-asa, Lola..." "Hindi ako mag-isa," sabi nito. "Nasa lobby sina Vernard. Kung biglaan mang maisip ni Marrio na umuwi, mapipigilan nilang umakyat," ngumiti si Lola Pinang na parang naaaliw. Para bang ordinaryong bagay na lang ang binanggit na eksena. Wala siyang ideya kung sino si Vernard. Baka driver nito.

