Naintindihan na namin ang isa’t isa at mas naging close kami ni Noe matapos ang ilang araw na alitan. Hindi nga lang masaya si Mom na ganito ang trato ko kay Noe dahil natatakot siyang mahulog ako sa kanya. Madalas kong tinatanggi pero alam kong malinaw sa'kin na may nararamdaman ako kay Noe. Malinaw na may nararamdaman ako sa kanya pero hindi malinaw kung ano 'yun. Natuto na ako na hindi manliit ng tao. Pero di ko maiiwasan kung mataas pa rin ang standards ko pagdating sa taong mamahalin ko. Gusto ko pa rin mahulog sa taong kaya akong buhayin kung sakaling iwan ko ang showbiz. Gusto ko 'yung tipo ng lalaki na mayaman, magaling ang utak sa negosyo at higit sa lahat, mas mahal ako at mahaba ang pasensya. Magaan ang loob ko kay Noe, pero para sa'kin… hindi siya pasok sa standards ko. Mar

