Today is Stacy’s Runaway fashion show. Maglalakad ako mamaya habang suot ang magandang design ni Stacy. This is her last week in the Philippines at pinlano niya ‘to bago siya bumalik sa states. Magkatabi kami ngayon ni Noe habang nakatapat sa dalawang malaking salamin sa harap namin. Sa pangatlong upuan ay nandun naman ang isa kong bodyguard. Siya ang sunod na aayusan pagkatapos ayusan itong si Noe. Tinanong ko kay Stacy kung bakit kailangan kasama ko sina Noe, ang sabi niya lang, to add details sa paglakad ko mamaya sa stage. Long gown ang damit na suot ko mamaya and it should look like I’m with my bodyguards at the party. ‘Yun ang sa tingin kong ibig sabihin ni Stacy. "Ayos ka lang ba?" Tanong na bumasag sa katahimikan. Kanina ko pa kasi napapansin na parang wala sa mood itong si

