I slammed the door so hard and let myself fall onto my bed. Pinaghahampas ko ang mga unan na nasa tabi ko at sumubsob doon para mailabas ko ang galit ko sa pamamagitan nang pagsigaw. Nagsikip ang dibdib ko at halos hindi na 'ko makahinga dahil sa kakaiyak. Isang malakas na tunog ang dahilan ng aking pagbangon at iyon ay dahil sa telepono ko. Agad ko iyong binato sa vanity table ko dahilan para tumalsik ang mga bubog nito sa sahig. Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto ko at narinig ko ang boses ni Ate, "Cake, buksan mo 'to at mag-usap tayo." "Leave me alone, Ate, kahit ngayon lang!" sigaw ko habang umiiyak. Niyakap ko ang mga tuhod ko at patuloy na umiiyak. Alam kong wala namang mangyayari sa ginagawa ko, alam ko namang hindi mababago ng mga luhang 'to ang mga salitang nasam

