Umiikot na ang paningin ko at nakakaramdam na rin ako ng hilo. Napa-sapo ako sa aking ulo bago ko dahan-dahan na inilapag ang bote na hawak ko. Narinig ko ang pagtumba ng mga bote dahilan para lingunin ko ito. Nabalot ng malakas na tunog na iyon ang paligid at ngayon ko lang din napagtanto na ang dami ko na palang nainom. Hindi ko na matandaan kung ilang oras na 'kong nandito at wala rin akong balita sa nangyayari sa bahay. I left my phone there and I don't have anything to contact them. Wala rin naman akong balak tawagan sila dahil kinamumuhian ko silang lahat. Pinagtulungan nila ako kaya't hahayaan ko silang mabaliw kakaisip kung nasaan ako. Wala naman akong sinabihan na gagawin ko ang bagay na ito. Even my friends, they don't know anything about my plan. Even my manager, wala ring a

