Chapter 82

1576 Words

Nagising ang diwa ko pero nanatili akong nakapikit. Inaantok pa 'ko at masakit pa ang ulo kaya't tinatamad akong buksan ang mga mata ko. Pero nararamdaman kong nasa loob ako ng sasakyan at ramdam kong umaandar ito. Lasing na lasing ako kanina pero natatandaan ko pa ang mga pinag-usapan namin ni Noe kanina. Dahil sa kalasingan, hindi ko na napigilan ang kakulitan ko sa kanya at wala akong ginawa kundi ang tanungin s’ya nang tanungin. Hindi ko naman kailangan ng sagot pero nung mga oras na iyon ay parang kailangan ko ng sagot mula sa kanya. Kahit nga iyong tanong na, bakit lumalapit ang hangin kapag sumisipol ang tao ay gusto ko ring itanong sa kanya dahil base sa mga nabasa ko sa internet, hindi iyon maipaliwanag ng mga scientist. Hindi ko alam kung may sagot na sila pero nang mabasa ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD