Itinigil ni Noe ang sasakyan sa tapat ng isang gate, it's a tall and wood gate. Noe checked his phone before he withdrew the key. "We're here," aniya. Huminga ako nang malalim nang marinig ko iyon sa kanya. Nakaramdam ako bigla ng kaba dahil maaaring si Papa na ang bumungad sa amin sa likod ng malaking gate na ito. Hindi ko alam kung normal ba ang nararamdaman ko dahil gusto ko siyang makita pero hindi pa 'ko handa. I can't explain exactly how I feel. Bababa na sana ng sasakyan si Noe nang bigla akong magsalita, "Sa ibang araw na lang kaya? Baka wala siya sa mood ngayon, baka wala s'ya diyan, o baka hindi niya ako makilala." "Shh. If he won't treat you right, aalis tayo." He held my hand before he rubbed his thumb against it. "Tara na?" he added. Tumango ako bilang tugon. Pinagmas

