Chapter 4

3031 Words
Bahagya akong tumingin sa aking salamin at marahan na umikot para makita kung maayos ba ang suot ko ngayon. I'm wearing a white spaghetti top and high waist maong jeans. Nakasabit naman sa aking balikat ang aking black Chanel bag na binili ko sa Europe last year. I'm also wearing my black and white Nike air force 1. Gustong gusto ko talagang ayusan ang sarili ko, feeling ko ang ganda ganda ko palagi.  Agad kong kinuha ang cellphone ko para makapag mirror shot ako. I will post this on my ig story dahil palagi nilang inaabangan ang outfit of the day ko.  "Cake? The breakfast is ready." Rinig kong sabi ni Ate mula sa labas ng aking kwarto. Inihabol ko ang pag-aayos ng aking buhok at ang muling paglalagay ng tint sa labi ko.  Agad na 'kong lumabas ng kwarto para makakain ng breakfast, ang ganda nga ng suot ko pero kumakalam naman ang sikmura ko. Bumungad sa'kin si Ate na naghahayin na. Tinapunan ko naman ng tingin si Mom na may kausap sa phone niya. Naalala ko tuloy ang pagtatalo namin ni Ate kahapon, sana nakalimutan na niya ang tungkol don.  "Mauna na raw tayong kumain, may kausap lang daw si Mom." Sabi nito at sa tono naman ng kanyang pagkakasabi ay mukhang hindi na siya galit sa'kin.  "Sinong kausap niya?" Tanong ko bago ko ipatong ang bag ko sa upuan para makaupo.  "Importante raw, e. Let's eat?" Marahan akong tumango bago simulan ang pagkain. Nababahala ako kung sino ang kausap ni Mom, minsan kasi basta basta nalang siyang tumatanggap ng projects without telling me. Katulad na lang nung nagkasama kami ni Kurt sa isang project, hindi ko alam yun at saka niya lang sinabi sa'kin nung natanggap na niya yung offer. Maganda naman ang kinalabasan dahil nagustuhan ng mga tao ang pagtatambal namin ni Kurt. At saka, because of that, nakilala at nagustuhan ko si Kurt.  Pero hindi lahat ng offer na tinatanggap niya, maganda ang naidudulot sa'kin. Sometimes, her decisions are taking my career at risk.  "Nakausap ko 'yung friend ko, si Myca, she's pursuing her business." Sambit ni Ate habang naglalagay siya ng pagkain sa kanyang pinggan.  Agad akong tumango sa kanya, "That's good." Dagdag ko.  "Eh she's asking for a favor kung pwede mo raw siyang tulungan?" Sambit ni Ate na agaran ko ring sinagot ng pagtango.  "Sure, no problem! I'll just contact her when I get home." Sabi ko na nagbigay ng dahilan para magdikit ang kanyang kilay.  "Where are you going?" Tanong nito. Alam niya kasing nag-i-stay lang ako sa bahay tuwing Sunday.  "I'm going to Stacie's house. Busy kasi ako last time na nag-invite siya for a drink kaya babawi ako today. Ikaw ba? Wala kang lakad?" tanong ko sa kanya nang masagot ko ang kanyang tanong. Naputol naman ang sasabihin ni Ate nang dumating si Noe. Marahan ko siyang tiningnan mula ulo hanggang paa. What is he wearing?  "Good Morning, Noe!" Bati ni Ate sa kanya at agaran din namang sumukli ng bati si Noe. "Akala ko may lakad kayo ni Cake ngayon?" tanong nito bago ibaling sa'kin ang kanyang atensyon.  He's not wearing his uniform, at never akong pumayag na sumama sa'kin ang kahit na sinong bodyguard without wearing their uniforms. "Noe, what are you wearing? May pupuntahan tayo, right? I guess you forgot about it." Sabi ko bago muling ipagpatuloy ang aking pagkain.  “Nakalimutan niyo po ata sabihin sa mommy niyo na napunit yung uniform ko kahapon at kailangan ko po ng bago.” Nahihiya nitong sabi bago ako bahagyang napapikit dahil nakalimutan ko ngang sabihin kay mom.  “Mom, do we have extra uniforms?” Tanong ko pero umiling lang si Mom habang busy pa rin sa kausap niya. Bahagya akong napailing bago ko siya lingunin. “Sige na, yan nalang muna ang suotin mo.” Sabi ko bago ko muling ipagpatuloy ang pagkain. “Kumain ka na ba? sumabay ka na sa’min.” alok ko sa kanya bago ko siya tiningnan. Agad ako nitong nginitian bago marahan na tumango. “Kumain na po ako after ko pumunta rito.” Sagot sa’kin ni Noe. Masyado akong naninibago kapag nakikita ko si Noe. Seeing his bare face makes him more attractive. Ang ganda ng mukha niya kahit hindi siya magsuot ng foundation. Napansin ko rin ang maganda niyang labi, natural na mapula at mukhang malambot.  Madalas kasing naka-make up ang mga lalaking artista na nakakasama ko, even my guy friends nagsusuot ng make ups. I’m sure mas lalo siyang gu-gwapo kapag naglagay siya ng mga ‘yon, pero kahit naman wala ay gwapo na siya…  Teka, ano ba ‘tong iniisip ko? He’s not attractive. Baka may foundation at liptint siya tapos hindi lang halata. “Then, hintayin mo nalang ako sa labas, susunod na ako.” Sabi ko nang hindi man lang siya nililingon. He’s not attractive to me. He’s not.  Narinig ko ang paglabas niya kaya agad akong tumayo para mag sipilyo. “You’re done already?” Tanong ni ate na malamig ko namang sinagot ng oo. “Cake, are you okay?” Napalingon ako bigla kay ate nang marinig ko yun mula sa kanya. Bahagya akong tumawa bago ako mabilis na tumango sa kanya. “Do you still see him as a bodyguard?” seryosong tanong ni ate dahilan para matigilan ako. “I see him as a good person. Dami mong alam, Ate.” Sabi ko sa kanya bago ko tuluyang pumunta ng cr para magsipilyo.  I see him as a good person, hindi ko na siya nakikita as my bodyguard. I see him as a friend. Alam kasi ni Ate na mayroon akong konting pagtingin kay Noe nang magkita kami sa mall. Nagbago naman ang lahat ng 'yun nang malaman kong bodyguard ko siya.  Masyado akong nabigla kagabi, to the point na nahusgahan ko ang buong pagkatao niya. Lumaki akong judgemental at may trust issues kaya hindi na bago kung masabi ko man ‘yun kay Noe. Nakakapanibago lang dahil sa tinagal-tagal na ‘kong pinagsasabihan ni Ate, ngayon lang ako nakinig. Noe is a good person and I should treat him like that.  Agad akong lumabas ng banyo at agad na lumabas para makaalis na kami ni Noe. It’s my day off today kaya dapat kong sulitin ang araw na ‘to. “Noe, let’s go.” tawag ko kay Noe pero napansin kong may kinakausap siyang matanda sa tapat ng sasakyan namin.  “Noe!” Muli kong tawag dahilan para agad siyang lumingon. “What are you doing?” Singhal ko nang makalapit siya sa’kin.  “Nanghihingi kasi ‘yung matanda ng pera, hindi pa raw siya kumakain.” Paliwanag nito dahilan para umirap ako. Marahan kong sinilip ang matanda at hindi ko inakala na makakaramdam ako ng awa sa kanya. Butas ang pantaas at pambaba niya, at wala man lang siyang proteksyon sa kanyang mga paa.  Agad akong kumuha ng pera sa bag ko at agad ‘tong inabot kay Noe, “Give this to him.” Sabi ko nang maabot ko ‘to sa kanya. Agad akong nginitian ni Noe bago galak na galak ibinigay sa matanda ang perang binigay ko. Pumasok na ‘ko sa sasakyan at agad na nag-sanitize ng kamay. Pumasok na rin si Noe at bahagya pang kumaway sa matanda na abot tainga ang ngiti. “Sinabi mo ba na ako ang nagbigay?” tanong ko kay Noe. “Hindi po.” sagot ni Noe.  “Good. Anong sinabi mo?” Tanong ko muli bago ko pasadahan ng tingin ang aking cellphone.  “Galing sa’kin.” Agad akong napatingin sa kanya at bahagyang napatawa. Iba rin talaga ang kakapalan ng mukha ng taong ‘to, e. “Joke lang. Ang sabi ko, galing sa may magandang puso.” Sabi nito bago ako bahagyang tingnan sa rear view mirror ng sasakyan habang tinataas baba ang kanyang mga kilay.  “Sa susunod ha, don’t talk to strangers.” sabi ko bago muling ibaling ang atensyon sa aking telepono at hindi na inabangan pa ang isasagot niya. Gosh, anong oras na ba? Baka nandun na silang lahat tapos ako lang ‘yung wala. *** “May extra mask ka bang dala?” tanong ko kay Noe. Hindi ko naman inakalang mag-iiba sila ng venue at gagawin nilang sa condo nalang ni Stacy kami magkikita-kita. Agad na tumango si Noe bago i-abot sa’kin ang isang box ng mask. “Wow.” Sabi ko kasabay nang paglaki ng aking mata. Agad ko itong sinuot sa aking magkabilang tainga bago ko ayusin ang aking buhok. “Let’s go.” Nang makababa kami ay agad akong sumunod kay Noe.  Kahit may makakilala sa'kin, panatag ang loob ko. Alam ko naman na kaya akong protektahan ni Noe katulad nang pagprotekta niya sa akin noong una naming pagkikita. Pumasok na kami sa elevator at agad ko ring tinext si Stacy para pagbuksan kami ng pinto pag nakarating na kami.  Agad kong nilagay ang phone ko sa bag ko at bahagyang napukaw ng atensyon ko ang style ng pananamit ni Noe. He looks clean and handsome today. Bagay na bagay sa kanya ang style niya ngayon. Black denim jacket and white shirt for top and black pants for his bottom. Tapos black sneakers na sapatos. Mukhang badboy ang datingan niya today. “Fifty two floor, Ms. Cake.” Sabi ni Noe bago ilahad ang kamay niya nang magbukas ang pinto ng elevator. “Baka may makarinig sa’yo, Noe.” Saway ko sa kanya bago ito bahagyang napakamot sa kanyang ulo. Agad na nag doorbell si Noe sa pintuan ni Stacy at agad din naman itong nagbukas. Nang makapasok kami ay agad akong niyakap ni Stacy. “Na-miss kita!” Sabi ko bago ko mas higpitan ang yakap sa kanya.  “Mas na-miss kita! Grabe it’s been a long time.” Sabi ni Stacy dahilan para mapatawa ako.  Matagal na nga kaming hindi nagkikita ni Stacy at halos wala na kaming balita sa isa’t isa dahil naging busy ako sa tapings at naging busy naman siya abroad. “Nang dumating ako rito sa Manila, I saw lot of billboards na ikaw ang laman. Grabe, very successful ka na talaga.” Sabi nito bago ito kumalas.  “Asus! Mas successful ka kaya kaysa sa’kin, ‘no. Isipin mo, ikaw ‘yung gumagawa at nag-de-design ng gowns ng mga famous celebrity sa abroad!” Bawi ko sa kanya bago ko siya hilahin papunta sa sala ng condo niya.  Agad na bumungad sa’kin ang iba ko pang mga kaibigan at ang lahat sa kanila ay niyakap ako, Si Eunice, Fela and Mia. “Oh dba, miss na miss ka namin.” Dugtong pa ni Stacy. Agad akong umupo sa tabi nila para makisali sa iniinom nila.  “Picture tayong lahat mamaya ha. Can’t wait to share this moment with my followers!” Sabi ko sa kanila and I expect them to be happy pero tanging pagtitig at panlalaki ng mata ang binungad nila sa’kin. Agad kong nilingon kung sinong tinitingnan nila at ‘yon ay si Noe. “Bakit?” tanong ko nang lingunin ko silang lahat.  “Sabi na nga ba, e! May non showbiz boyfriend ‘tong si Cake!” sabi ni Eunice bago agad na nilapitan si Noe at hinigit para paupuin sa tabi ko. Naghiwalay ang aking mga labi dahil sa sinabi ni Eunice at wala na ‘kong nagawa nang lahat sila ay nagsisigaw dahil sa kilig. Agad namang uminit ang aking mga pisngi nang gawin nila ‘yon.  Wala kaming nagawa ni Noe kundi tumawa nang tumawa dahil sa pang-aasar nila. Sino nga ba naman ang hindi mag-iisip ng kung ano-ano kay Noe? Ang lakas ng dating niya at walang sino man ang mag-aakala na bodyguard ko siya. “Actually, hindi ko-” itatanggi ko na sana lahat ng sinasabi nila pero agad na hinawakan ni Noe ang kamay ko. “Never mo pala ako kinuwento sa kanila.” sabi ni Noe bago marahan na hinalikan ang kamay ko. Nilunok ko na lamang ang lahat ng balak kong sabihin at agad na nagpigil ng kilig dahil sa ginawa ni Noe. Agad akong napatawa bago ako marahan na umiling bago tumitig sa kanyang mga mata. I never felt this before. Iba ‘yung feeling kapag si Noe, iba ‘yung feeling kapag kay Kurt. “I’m Cake’s boyfriend.” sabi nito bago kami mag holding hands. Hindi ko alam kung anong plano ni Noe, at kung ano man ‘yon, I want to go with the flow.  Alam nilang lahat na walang kami ni Kurt, alam din nilang medyo nagugustuhan ko na si Kurt pero lahat naman sila tutol sa kanya dahil mukhang wala daw magandang maidudulot sa’kin kung magiging kami talaga sa totoong buhay. Lahat sila kinakausap si Noe at tinatratong kaibigan. Tuwang-tuwa silang lahat dahil sa pinakilala ko sa kanila si Noe at hindi ko naman sila masisisi.  Ako nalang ang single sa aming lahat kaya alam kong mas excited pa sila kaysa sa’kin.  Lumipas ang ilang oras at halos ilang bote na ang nauubos namin. Dito silang lahat matutulog, samantalang uuwi naman kami ni Noe. May trabaho pa kasi ako bukas at baka hanapin ako ni Mom kung hindi ako uuwi ngayon. Sa sobrang saya nila dahil pinakilala ko sa kanila si Noe, hindi na nila namalayan na konti lang ang basong tinanggap ko, na hindi ako masyadong uminom. Hindi rin uminom si Noe dahil hindi raw pwede dahil mag mamaneho pa siya.  “Excuse me.” Iniwan ako ni Noe at agad na pumunta sa balkonahe kaya minabuti ko na ring sumunod.  “Are you okay?” Tanong ko. Nakatuon ang kanyang mga siko sa railings ng balkonahe at parang may malalim na iniisip. “Bakit mo sinabi ‘yun?” Tanong ko ulit. Agad ako nitong nginitian bago bahagyang tumawa.  “Bakit mo sinakyan ‘yung sinabi ko?” sagot niya sa tanong ko. Bahagya ko siyang hinampas sa kanyang braso bago ko siya irapan. "Joke lang. Kita mo naman reaksyon nila nang makita nilang kasama mo 'ko d'ba? Sobrang saya na nila kaya sinakyan ko nalang. Babawiin ko pa ba?" sabi nito bago ako nito ngisian.  Marahan akong tumungo bago ko siya muling tingnan na may ngiti sa aking mga labi. Tumabi ako sa kanya at napansin ko naman ang berde niyang bracelet na labis napukaw ang atensyon ko. "That looks cool on you." sabi ko bago ko ituro ang bracelet na nasa kamay niya.   “Ah ito? Wala 'yan." sabi niya bago ayusin ang kanyang tindig at sandalan ang railings na kanina'y tinutuunan niya.  "Ano nga?" pangungulit ko.  "Trip trip lang." sagot nito pero hindi pa rin ako nakukumbinsi sa kanyang sinabi. Pumunta ako sa kanyang harapan at bahagyang hinawakan ang kamay niya para tingnan ito ng mas malapit.  "It looks like it's not just an ordinary bracelet. Anong meaning?" pangungulit ko pa. Siguro dulot ito ng alak kaya medyo makulit na 'ko.  "Hindi ba pwedeng trip trip lang?" tanong nito dahilan para maiangat ko ang aking tingin sa kanya. Nang gawin ko 'yon ay nagtama ang aming mga tingin at para bang may pumipigil sa'king umiwas. Ngayon ko lang ulit natingnan ng malapitan ang mga mata niya. Mga mata niyang kumikislap sa ganda. Hindi masyadong makapal ang kanyang mga pilik mata pero labis akong nahulog sa ganda nito na para bang ayoko na alsin pa ang tingin sa mga ito.  "Ang ganda pala ng mata mo." sabi ko sa kanya pero labis ang aking pagkagulat nang sabay naming masabi 'yun sa isa't isa. Bahagya kaming napatawa at mahina ko siyang hinampas sa kanyang braso nang bitawan ko ang kanyang kamay.  Bumalik ako sa dati kong pwesto at ganon din s'ya. "Asaan na nga ba 'ko?" tanong ko sa sarili ko bago ko muling isipin kung ano na nga ba ang pinaguusapan namin. Lintek na mata kasi 'yan, e!  "Ibig kong sabihin, sa panahon kasi ngayon, halos lahat ng bracelet na sinusuot natin ay may meaning na. Your bracelet looks unique. So ano nga ang meaning?" tanong ko sa kanya bago ko siya tingalain. Mas matangkad kasi s'ya sa'kin kaya minsan ay nahihirapan akong kausapin siya. Sabagay, isa naman 'yun sa mga kailangan kong requirements sa isang bodyguard.  "Sign of rebellion." sabi nito dahilan para agaran ko siyang lingunin. I can see his sincerity in his eyes kaya hindi ko na tinuloy pa ang biro ko. Bahagya akong huminga ng malalim bago ko siya muling tanungin.  "Uhm, against what?" tanong ko muli sa kanya.  "Against life and family." sabi nito bago bahagyang tumingin sa madilim na langit na tanging mga bituin ang nagbibigay liwanag sa paligid. Muli sana akong magsasalita pero natigilan nalang ako nang tingnan niya ang kanyang orasan. "Mag aalas dose na. Umuwi na tayo." Iniwan ako nitong tulala dito sa balkonahe.  Naisip ko na, sobrang taray at ang sama sama ng ugali ko sa kanya. Hindi ko man lang naisip na baka may pinagdadaanan siya at baka maka-apekto sa kanya ang ugaling pinapakita ko. I'm so insensitive. Mas iniisip ko pa ang kapakanan ko kaysa sa mga taong tinatarayan ko. I wanted to talk to him more about that pero mukhang ayaw na niyang pag usapan pa.  Agad akong sumunod sa kanya, kukunin ko sana ang bag ko pero nakita kong bitbit na niya ito. "Stacy, uuna na kami ni Cake. Please take care of them, 'wag mo na sila hayaang umuwi." dinig kong sabi ni Noe kay Stacy.  "Yeah, sure. Ingat kayo, lovebirds!"  Bukod sa gwapo na, may mabuti pang puso. Paano ko nga ba nagagawa kay Noe lahat ng pagtataray ko? Sa lahat naman, ako lang ang may issue sa ginagawa niya. Aysh!  Agad nitong pinindot ang buttons ng elevator at nang magbukas ito ay nilahad niya ang kamay niya sa pintuan nito. "Kaya mo ba maglakad? Do you want me to carry you?" tanong niya nang makapasok kami sa loob.  Uminit ang mga pisngi ko dahil sa sinabi niya. Agad ko itong sinagot nang pag-iling at bahagyang ngumiti, "I can walk." sagot ko. Hawak niya ang bag ko at nasa kamay niya naman ang scrunchies ko. Bakit ba napaka boyfriend material nitong si Noe? I'm starting to like his personality na ha. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD