Marahan akong bumangon pero agaran ko ring binagsak ang aking sarili sa kama. Isa lang ang malinaw sa’kin ngayon, ang sakit sakit ng ulo ko. Bahagya kong pinaling ang aking sarili sa kaliwa para abutin ang aking telepono. Agad ko ‘tong binuksan at bumungad naman ang mga stolen kong pictures sa event. Mahal na mahal talaga ako ng mga tao sa kung anong ugali ang pinapakita ko sa kanila. Totoo naman ang ugaling pinakita ko sa kanila, talagang choice kong maging mataray sa mga lalaking lumalapit sa'kin.
“Sis?” Nang marinig ko ang boses ni Ate ay agad kong pinatong ang cellphone ko sa aking side table. Bumangon ako at bahagyang napapikit nang maramdaman ko ang sakit mula sa aking likuran. Napahawak ako rito habang dahan-dahan na umuupo.
Inayos ko ang aking buhok at tiningnan ang itsura ko sa salamin. Omg, I look horrible! Ano bang nangyari kagabi at bakit ganito ang itsura ko ngayon?
“Sis? Gising ka na?” Muli kong narinig ang boses ni Ate mula sa labas.
“Come in!” Sigaw ko nang matapos kong ayusin ang buhok at mukha ko. Sinalubong ko s’ya ng pilit na ngiti nang makapasok s’ya sa kwarto ko.
I expected her to smile at me too pero hindi ‘yun ang natanggap ko. Binato niya ako ng damit at sakto ‘tong tumama sa mukha ko. “Ano ba, Ate!” Inis kong sabi. Lumaglag sa hita ko ang mga damit na binato niya. Marahan ko ‘tong binuklat at ngayon ko lang napansin na pantulog pala ang mga damit na ito.
Iniwan ako nito para i-lock ang kwarto ko. “What’s this? Anong gagawin ko rito?” Tanong ko habang hawak ang mga damit na binato n’ya. Humalukipkip siya sa harapan ko bago niya ako taasan ng kilay.
“Suotin mo ‘yan. Bago pa makita ni mom na suot mo ‘yung shirt ng bodyguard mo.” Agad na nanlaki ang mga mata ko at agad na tumungo para siguraduhin ang sinasabi ni Ate.
At hindi nga siya nagbibiro...
Agad kong dinampot ang damit na hinagis niya bago kumaripas ng takbo papunta sa banyo. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at napahawak ako sa aking bibig nang makita ko ang itsura ko. Suot ko ang white long sleeve polo na natatandaan kong suot ni Noe kagabi. Masyadong malaki ito sa’kin dahilan para hindi makita ang suot kong itim na shorts, bukas din ang tatlong bitones na ‘to dahilan para sumilip ang cleavage ko.
Mabilis kong hinubad ang polo na niya at agad na naghilamos. Ano bang nangyari kagabi at bakit suot ko ang polo ng lalaking ‘yun? Don’t tell me pinagsamantalahan niya ako? May nangyari ba sa’min? Hindi ko maiwasan ang mainis dahil sa kung ano-anong pumapasok sa isip ko. Mga tanong na bumabagabag sa isip ko habang abala ako sa paghihilamos.
Inangat ko ang tingin ko sa salamin at bumungad sa’kin ang damit na suot ko sa event kahapon. Akala ko ay bra lang ang suot ko sa loob, hindi ko inakala na nakapatong lang pala ang puting polo na ito sa damit ko.
Ibig sabihin, walang nangyari kagabi. Pero bakit kailangan niya pang i-suot ito sa’kin?
Hinubad ko ang mga damit na suot ko bago ko binuhay ang shower at mabilis na sinalo ang mga tubig na bumabagsak mula sa shower. I really have no Idea what happened last night, I’m too drunk to remember everything.
Sa ilang minuto kong paliligo ay tanging pag-iisip lang kung anong nangyari kagabi ang ginawa ng utak ko, pero wala pa rin talaga akong ideya kung anong nangyari. Bahagya nalang akong napailing bago lumabas ng banyo.
Bumungad sa’kin si Ate na abala sa kanyang cellphone habang nakahiga sa kama ko. “Ate…” Sambit ko bago ako lumapit at umupo sa kama habang hawak ko ang puting polo na suot ko kanina. “Sigurado ka bang kay Noe ‘to?” Tumango siya nang hindi man lang nag abalang lingunin ako.
“You’re dead drunk last night. Ni-hindi mo nga ma-ituwid ang sinasabi mo kagabi.”
“Yeah, I know I’m drunk. Kaya nga hindi ko alam kung bakit ko suot ‘to. Ang tanong ko, kung kay Noe ba talaga ‘to?” Bumaba ang tingin ko sa puting polo.
“Nung umuwi ka rito, suot mo na ang polo na ‘yan. Masyado raw malamig sa pinuntahan niyo at revealing din ‘yang suot mo kaya niya pinasuot sa’yo ang polo niya. He also explained to me that nothing happened between you and him.” Sabi nito habang abala pa rin sa pag-swipe sa screen ng kanyang cellphone.
Baka naman kaya n’ya pinalitan ang suot ko kasi naa-attract s’ya sa’kin. So para pigilan ang sarili n’ya, pinagdamit n’ya ako ng malaki at makapal. Marami na ‘kong lalaki na nakilala na ganyan. Hindi imposible kung ganun din s’ya.
Agad kong iniwan si Ate para lumabas ng kwarto ko. Hindi ko inisip ang magulo at basa kong buhok. Hindi ako kinilig o natuwa sa ginawa niya, hindi rin nadagdagan ang gwapo niya kahit ginawa niya ‘yun sa’kin. Kung akala niya kikiligin ako, Never!
Agad akong lumabas ng bahay at bumungad sa’kin si Noe na nakikipag usap sa mga gwardya sa labas. Mabilis kong binato sa kanya ‘yung polo nya na tumama sa dibdib nya at agad n’ya rin itong nasalo. “Sayo ‘yan, right?” Nakataas kilay kong tanong. Marahan itong tumango habang tinitingnan n’ya ang damit na binato ko sa kanya. Nang ibaling n’ya ang atensyon sa’kin ay agad akong humalukipkip at tinaasan siya ng kilay. “ ‘Wag mo na ulit uulitin ‘yon. Kung ano man ang suot ko, komportable at gusto ko ‘yun. Kung lalamigin ako, hindi mo na problema ‘yun. Kung mababastos ako, mababastos ako. Mind your own business!” Singhal ko sa kanya.
“Ano pa’t naging bodyguard mo ‘ko? My job is to protect and get you out of trouble.” Sagot nito sa’kin dahilan para lalong uminit ang dugo ko sa kanya. Bahagya akong lumapit sa kanya at dinuro-duro ko ang kanyang dibdib.
“Sayo na nanggaling, you’re my bodyguard. Your job is to follow whatever I want. Kaya ayusin mo ang trabaho mo kung ayaw mong mawalan ng trabaho. Jerk!" Mariin kong sabi sa kanya bago ko s'ya irapan. Nilisan ko ang lugar nang hindi man lang siya nililingon. Nang makapasok ako ay agad na bumungad sa'kin si Ate.
"Isn't that too much? I mean, you're too much, Cake. You called him a jerk while being a gentleman to you. Ano bang nangyayari sayo?" Bungad na sabi sa'kin ni Ate. Marahan komg inikot ang aking mata bago humalukipkip.
"Talaga? Naniniwala kang nagpapaka-gentleman s'ya sa'kin? Moves niya lang 'yan para mahulog ako sa kanya. And if he succeed, matutuwa yan dahil nakabingwit siya ng magandang artista. At hinding hindi ko hahayaang mangyari 'yun. Di ako tanga–" Nilampasan ko si Ate pero agad din akong bumalik sa harapan niya nang hilahin niya ang braso ko.
"Yan ka na naman. Kailan mo ba aalisin sa kokote mo ang paraan ng pagpapalaki sayo ni mom? Hindi mo dapat pag basehan ang–" Mabilis kong binawi ang braso ko sa kanya bago ko siya bigyan ng nakakaasar na ngiti.
"May photoshoot pa 'ko, talk to you later." Sabi ko bago ko siya mabilis na nilampasan. Wala naman ginawa si Ate kundi pagsabihan ako nang pagsabihan kung paano ako mantrato ng mga lalaki sa buhay ko. Buhay ko ‘to kaya ako ang masusunod.
***
"Iniisip ko lang naman 'yung sasabihin ng mga tao sa'tin. Kapag nakita ka nilang may kasamang iba, anong iisipin ng fans? Na tapos na tayo at may bago ka ng loveteam?" Inis kong sabi kay Kurt habang inaayusan siya ng makeup artist namin.
Aaminin ko, hindi lang naman ako nagagalit sa sasabihin ng iba. Nagagalit din ako kasi nagseselos ako at nalulungkot ako sa tuwing masaya siya kahit wala ako.
"Kumain lang kami sa labas and it’s a private restaurant, Cake. At saka, nagsuot ako ng mask para walang makakilala sa’kin." Sabi nito sa'kin habang nakatuon ang atensyon n'ya sa cellphone n'ya. "I also wore a hat. So, don't worry!" Dagdag nito na para bang nakatulong ang pagsusuot n'ya ng saklob. Pinapasakit n'ya talaga ang ulo ko.
"Sabihin mo nga sa'kin, kaibigan mo ba s'ya o bago mong babae?" Tanong ko dahilan para hawiin n'ya ang kamay ng make up artist n'ya bago niya ako samaan ng tingin. "We have a contract, Kurt. Hindi ka pwedeng humanap ng ibang ka-love team hangga’t hindi tapos ang kontrata nating dalawa. ‘Wag mong hintayin na may kausapin ako para lang tumino ka,” Dagdag ko.
Umiling ito nang marinig niya ‘yun sa’kin. Hindi ako papayag na may magustuhan siyang iba dahil hindi pwedeng mangyari ‘yun. Mag-boyfriend at girlfriend kami ni Kurt sa harap ng kamera. Kahit sa harap lang ng kamera kami may relasyon, hindi ako papayag na may kitain siyang ibang babae sa likod ng kamera.
"Hello po. Pwede magpa-picture?" Mabilis na nagbago ang ekspresyon namin dalawa ni Kurt nang bumungad sa'min ang isang fan. Ngumiti kami at mabilis na tumango sa tanong niya.
Lumapit sa'min yung bata bago inangat ang kanyang cellphone. Hindi na 'ko nabigla pa nang mabilis na hawakan ni Kurt ang kamay ko. Nang magbilang ang bata ay agad kaming ngumiti ni Kurt. Minsan talaga hindi ko na rin nagugustuhan ang set up namin ni Kurt.
"Thank you po…" Malambing na sabi ng bata. Agad ko s'yang nilapitan para yakapin at agad din naman itong yumakap kay Kurt bago ito ihatid ng staff namin sa labas. Tumango kami sa kanya bago siya kumaway samin dalawa na agad din namin sinuklian ng ngiti.
"Hindi pa tayo tapos, Kurt. Mag-uusap pa tayo mamaya." Hindi niya ako binigyang pansin kaya't hindi ko na siya binigyan pa ng pansin.
Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin bago ako agad na lumabas sa dressing room niya para umalis. Kakatapos lang ng photoshoot namin, tapos may interview pa si Kurt sa isang show kaya inaayusan siya ulit ng make up artist. Wala na 'kong schedule today so I guess I will go home early.
"Ma'am, do you need something?" Tanong ni Noe nang makalabas ako.
"Do I look good?" Tanong ko at agad naman itong ngumiti at napakamot sa kanyang ulo.
"Always," Aniya. Sumilip ang mga ngiti ko nang marinig ko yun sa kanya.
Teka– agad kong binawi ang aking mga ngiti nang ma-realize kong napangiti ako sa sinabi ni Noe. Agad akong napairap bago ipagpatuloy ang paglalakad. He's making a move again. Napaka bolero!
Siguro part ito ng plano nya. Siguro gusto niya nga na mahulog ako sa kanya pero hindi ko hahayaan na mangyari yun.
Nagmadali ako sa pag-akyat ng hagdan dahil sa maikli ang suot ko at ayokong masilipan. Hanggang sa makaramdam nalang ako ng isang bagay na dumali sa'king binti dahilan para mapatigil ako. Agad akong tumingin sa likod ko at nakita kong naka-bukas ang payong na hawak ni Noe sa likuran ko. Sa tingin ko ay kaya niya binuksan ang payong sa likuran ko ay para hindi ako masilipan.
Ito na naman siya… making a move again.
Bahagya akong umirap bago ko tabigin ang payong sa aking likuran. "Ano ba 'yan, Noe? Nakakasakit." Maarte kong sabi bago ko mas binilisan ang aking pag-akyat.
Hindi ko alam kung ginagawa niya ba 'yon dahil sa trabaho n'ya o dahil may iba s'yang gusto. Mabilis kong binuksan ang pinto bago ako pumasok sa loob. Agad din namang pumasok si Noe na hindi maipinta ang mukha. "Don't do that again." Sabi ko bago ko ituon ang aking atensyon sa aking telepono.
Oo, aaminin ko. Natuwa ako at kinilig nang iligtas ako ni Noe sa mall. Pinahanap ko pa nga s'ya sa kapatid ko kasi nagustuhan ko s'ya agad. Hindi lang sa panlabas na anyo kundi dahil din sa maganda niyang ugali.
Pero nang malaman kong siya pala ang bodyguard na inaasahan ni mom, nawala ang bilib ko sa kanya. Ewan ko ba, siguro dahil pinalaki ako ni mom na hindi dapat ako humanga sa mga taong ito ang trabaho… ay! ano na naman ba 'tong iniisip ko?
Binigyan ko nalang ng pansin ang mga messages sa'kin ng mga fan ko sa aking mga social medias. Ito na lang ang ginawa ko, atleast ito, napapasaya ako. Hindi ko na dapat ini-stress ang sarili ko. It was a tiring day, so I deserve a rest. Pero bago ko matawag na rest ang pag-upo ko sa aking van ay agad akong napasigaw dahil sa malakas na pag preno ni Noe dahilan para muntikan na akong mapatalsik sa unahan. "Noe, ano ba?!" Singhal ko.
"F*ck! Papatayin tayo ng pusa na 'yun!" Nakita ko ang pagsilip niya sa’kin sa rear-view mirror ng sasakyan bago niya ako lingunin. “Okay lang po kayo? ‘Yung pusa kasi…” Nag-aalala niyang sabi.
"I don't care! Kung napatama ang mukha ko sa likod ng upuan, masasagot mo ba? Ilang araw ka pa lang sa trabaho na ‘to pero puro sakit na agad sa ulo ang dinudulot mo sa'kin. If you can't do your job properly, you can resign anytime! I'm sure marami pang tao dyan ang nagkakandarapa para lang maging bodyguard ko." Natigilan ako nang masabi ko ‘yun lahat. Tila ba nagising ang diwa ko at napawi ang galit ko. Binagsak ko ang aking sarili sa sandalan bago ako nagpakawala ng hininga. Dahan-dahan akong tumingin sa rear-view mirror at bakas sa mukha niya ang hiya dahil sa mga sinabi ko. "Bilisan mo na lang ang pagmamaneho at gusto ko ng magpahinga." Mahinahon kong sabi sa kanya.
Bahagya akong napairap dahil sa katangahan na ginawa ko. Sinapo ‘ko ang aking ulo bago ako huminga ng malalim. Hindi ko alam kung bakit ganun kabilis uminit ang ulo ko, to the point na nakakapagsalita ako ng masakit sa tao. Minsan nagagalit din naman ako sa sarili ko dahil sa hindi ko na-ko-kontrol minsan ang galit ko. Masyado na nasisira ang image ko kay Noe. I think I need to let him go.
“Hindi ko gusto ang mga bagay na ginagawa mo sa’kin, Noe. You’re acting like my boyfriend, you’re too sweet and I don’t like it. Ihatid mo na ‘ko sa bahay at bukas, ayokong makikita pa kita.” Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Hanggang sa nagulat na lang ako nang tumigil ang sasakyan at agad niya itong itinabi. Tinanggal niya ang susi at mabilis itong nilagay sa kanyang bulsa. “Hey, Noe!”
“Wait here,” Aniya. Nanlaki ang mga mata ko at nagdikit ang kilay ko nang sabihin niya ‘yun. Binuksan niya ang pintuan at akmang baba kaya’t mabilis ko siyang pinigilan.
“Where are you going!?”
Bumalik siya sa kanyang pagkakaupo bago ako tingnan sa rear view mirror ng sasakyan. “Gusto mong sumama? Kapag sumama ka, pagkakaguluhan ka nila.” Binagsak ko ang aking sarili sa sandalan ko bago ako humalukipkip.
"Where the hell are you going? Noe?" Mabilis siyang bumaba ng sasakyan na parang walang narinig mula sa’kin. Agad akong tumayo para silipin siya sa bintana kung saan siya pupunta pero mabilis siyang nawala sa paningin ko na parang bula.
Did he just kidnap me? I better call my Mom. Agad kong dinial ang number ni mom to call her na agad niya ring sinagot, "Hello, Mom!?" takot na takot kong sabi.
"Oh?" tugon ni mom.
"I think, Noe is trying to kidnap me! Call the police, Mom. Baka pagkaperahan nila ako. Mom, please!" Nakatayo ang balahibo ko at nagsisikip ang dibdib ko nang sabihin ko yun.
"Hello? Chuppy ka. Can you call again, anak?"
"What? No! Noe is trying to kidnap me–" Nang matapos kong sabihin yun ay agad na nagbukas ang pinto sa tapat ko. Bumungad sa'kin si Noe na may dalang dalawang inumin. "Noe?" Nagtataka kong sabi.
"Hindi kita kikidnapin, I won't do that. Bumili lang ako ng inumin para lumamig 'yang ulo mo." Nang sabihin yun ni Noe ay agad na bumalik sa normal na pagtibok ang puso ko. Marahan akong tumungo at napahawak sa dibdib ko. "Oh," Inabot niya sakin ang isang softdrinks na hawak n'ya.
"Thank you," Sabi ko. "And sorry," Dagdag ko.
"That's okay. Basta bilisan mo lang yung pag inom kasi ibabalik ko pa yung bote sa tindahan," sabi nito bago bahagyang ngumisi. "May deposit na sampu para lang madala ko yan dito." dagdag n'ya.
"Yah, I know that. Naranasan din namin 'to nung nagka-taping kami sa probinsya." Tumango ito sa'kin habang abala sa pag-inom ng softdrinks kaya minabuti ko na rin inumin ang akin.
Nakakahiya na naisip ko talaga ang ganong bagay. Hindi ko naman masisisi ang sarili ko, mahirap ang buhay ngayon and people can do bad things just to survive.
Tinapunan ko ng tingin si Noe na ngayon ay nakatingin sa malayo. Mukha naman siyang matinong tao at napakasama ko para isipin lahat ng 'yun. I feel guilty about what I did but I'm still mad because of his actions. Hindi pa rin ako natutuwa sa mga pa-sweet moves niya at sa kung ano-ano pang galawan na ginagawa niya.
"I'm done," Sambit ko bago ko napansin na kanina pa palang ubos ang iniinom niya. Agad nitong nginitian ang bote bago ito kunin sakin. Bumaba ito ng sasakyan at sinara ang pintuan.
Hindi katulad ni Noe ang mga naging bodyguard ko noon. Sobrang polite nila sa'kin at seryosong seryoso sa trabahong meron sila. Not like Noe, talagang kayang i-handle ang init ng ulo ko. Kaya ring palamigin ang ulo ko at higit sa lahat, hindi siya nahihirapang intindihin ako dahil malapit lang ang edad namin sa isa't isa.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay bumalik na si Noe. Umupo ito agad sa driver's seat pero napansin kong nakahawak s'ya sa kanyang damit, "What happened?" tanong ko.
"Sumabit sa tindahan, e." sabi nito bago i-pakita sa'kin ang butas na uniform niya. Bahagya akong napa-iling bago siya tanungin.
"May uniform ka pa naman, dba?" Tanong ko. Marahan itong tumingin sa'kin bago umiling. Pabiro akong umirap bago siya ngitian, "Sasabihin ko kay mom para may masuot ka bukas. For now, let's go home dahil gumagabi na." Agad i-tong tumango bago ituon ang sarili sa manibela at sa kalsada.