Chapter 2

1938 Words
Sinara niya ang butones ng kanyang itim na coat nang makita niya ako. That coat really suits him. Bukod sa maputi s'ya ay maganda rin ang lapat nito sa kanya. He combed his hair using his fingers. Marahan siyang tumunghay para mas makita ko ng maayos ang mukha niya. "Noe?" Sambit ko sa pangalan niya. Sumilip ang mga ngiti ko nang makita ko ang lalaking sumagip sa'kin kanina sa mall. "Nandito ka," Dagdag ko. Hindi matanggal ang mga ngiti ko dahil ang lalaking inakala kong hindi ko na makikita, nasa harap ko ulit ngayon.  Tumingin ako sa likuran n'ya bago ko muling ipaling sa kanya ang atensyon ko. Akala ko ba may bago akong bodyguard? Bakit si Noe lang ang nakikita ko?  'Wag n'yong sabihin sa'kin na si… "I'm your new bodyguard, Ms. Cake."  My lips parted because of what he said. I didn't expect hearing that from him. Bukod sa mukha s'yang mayaman at mabilis n'yang naantig ang puso ko ay hindi ko inakalang ganito ang trabaho n'ya.  I have high standards when it comes to a guy. I don't settle for less. Ngayon pa lang ay pinuputol ko na ang pagpapantasya ko sa kanya. Napawi ang mga ngiti ko bago ako marahan na tumungo. "Pasensya ka na kung hindi ko nasabi sa'yo." Binigyan ko siya ng pilit na ngiti bago ko siya tinalikuran. Napansin ko ang nagtatakang mga tingin ni Ate at Mom dahil sa reaksyon na pinakita ko.  "Uh, he's the guy who saved me earlier." Walang gana kong sabi sa kanilang lahat, na alam kong nahalata ni Noe. Agad s'yang inasikaso ni Mom at mabilis naman akong hinila ni Ate papunta sa kusina. "Ang gwapo naman pala n'ya, Sis." Umikot ang mga mata ko.  "He's going to be my bodyguard. So, erase erase erase!" Sagot ko sa kanya na nagkukunwaring may binubura sa hangin. "Ano naman? You should look in the inside, Cake. Hindi sa trabaho n'ya at hindi sa kahit saan." Binatukan ako ni Ate pagkatapos niyang sabihin 'yun.  "Ah– Basta." Iniwan ko siya at dumiretso sa kwarto ko. Ang akala ko isa s'yang mayaman na binata, 'yun pala magiging bodyguard ko s'ya. Umasa akong maaari ko s'yang magustuhan pero nang malaman kong ganun ang trabaho niya, wag na lang.  *** When we arrived at the event, marahan akong sumulyap sa bintana ng aking sasakyan. Bumungad sa'kin ang napakaraming tao na hinihintay ang pagbaba ko. "Noe, I want you to get the letters, and the gifts," I commanded him. Mabilis niya akong sinagot ng pagtango.  "Yes, Ma'am." After a few seconds, we decided to get out of the car. Agad na pumunta si Noe sa harap ko to secure my way. They welcomed me with a loud cheer and with their wide smiles. Kumaway ako sa kanila at marahang hinubad ang shades na suot ko sa mata. Gusto kong makita nila ang mukha ko dahil ayokong masayang ang pagpunta nila rito.   "Thank you." I mouthed.  I quickly wear my glasses when we got inside. "You got everything?" Noe nodded at me. Kahit mga letters lang ay masaya na 'ko. Alam kong nag-effort sila sa pagsulat at pag-dedesign ng mga 'to. These letters deserve to be read. Abala kong tiningnan ang mga letters na nakuha ni Noe. Hindi ko maiwasang ngumiti nang makita ko ang mga effort nila. "Ang bait mo pala talaga, 'no." Napawi ang mga ngiti ko nang marinig ko 'yun kay Noe.  "Lol," I replied. Binigay ko sa kanya ang mga letters na nakuha niya, "Ayoko lang masayang yung efforts nila." Nagpatuloy ako sa paglalakad pero mabilis din akong natigilan bago ko itutok ang hintuturo ko kay Noe. "Hindi ako mabait," Dagdag ko.  The moment na makita ko silang pawis na pawis sa initan, awang-awa na 'ko. I don't want them to stay longer under the sun. Gusto kong makita nila ako ng maayos, gusto kong makuha lahat ng regalo nila para maging masaya at kuntento sila sa pagpunta nila rito.  "Let's go, Ma'am." sabi ng isang guard dito sa event. Pumasok na kami sa loob tapos narinig ko ang pangalan ko, "Let's welcome, Ms. Cake Mendoza!"  Agad akong lumabas galing sa backstage at bumungad sa'kin ang maraming tao. Lahat sila ay nagsisigawan at nagtatalunan dahil sa saya na makita nila ako.  "Hello, everyone!" I shouted and gave them a nice smile.  Kung kaya ko lang sana papasukin lahat ng tao para ma-sign ko yung autographs nila, mabigyan sila ng tigi-tigisang picture at ma-greet silang lahat gagawin ko.  Maliit lang ang venue na 'to and we can only handle 500 people. After I signed their autographs nagmadali na 'kong magpaalam sa kanila para tingnan kung may mga tao pa ba sa labas. I want to sign their autographs too. Kahit hindi sila nabigyan ng chance makapasok sa loob. Nakakawala ng pagod kapag nakikita ko yung mga talon nila kapag niyayakap nila ako. I just love my job when it comes to people. I'm happy seeing them full of joy whenever they watched my movie, I'm happy whenever they cry on my movie and I just love them.  They're not just a fan to me, they are my family. Kung hindi ako naunahan ng takot kahapon, baka nabigyan ko pa sila ng autographs and selfies. "Ma'am, nandito na po yung sasakyan." sabi ni Noe kaya agad kong kinuha yung pentel pen ng huling babae para pirmahan ang notebook niya. "Ingat kayo ha. Goodnight!" Sabi ko sa kanila bago ako alalayan ni Noe na makapasok ng sasakyan. Nagpakawala ako ng malalim na hininga nang maka-upo ako. This is a tiring day. I want to go to my place tonight, I just feel like I want to be alone and I want to get drunk. Pero hindi ko magawa dahil kay Noe. My Bodyguard is living with me, that's why I can't just drop him off at his house.  "Noe, saan ka matutulog?" I asked. "Sa bahay niyo po, Ma'am." Bahagya akong tumango at pilit s'yang nginitian. Ano ba yan. Gusto kong tumakas.  Minabuti ko na munang asikasuhin ang mga bigay nila at picturan ito isa-isa to post it on my i********: story. I'm gonna tag them too kung nag-iwan sila ng usernames. Yung iba nag-iwan at yung iba hindi kaya pinicturan ko nalang and gave them a short message. "Ma'am, hindi ka ba napapagod gawin 'yan? Halos araw-araw may mga regalo kang natatanggap from them tapos i-story mo?" "I'm not. I just want them to know that I appreciate every gift I've received from them. I want them to know that I liked it and I love it." Sabi ko sa kanya habang abala sa pag tipa sa cellphone ko.  "Bakit sa kanila mabait ka, bakit sa'kin ang taray-taray mo? Hindi ka naman ganyan sa'kin noong oras na niligtas kita," He said. Sa totoo lang, natigilan ako sa aking ginagawa nang marinig ko yun sa kanya. I cleared my throat at nagkunwaring walang narinig bago ko ituloy ang ginagawa ko.  "Dahil ba bodyguard ako?" Muli niyang nakuha ang atensyon ko at mabilis kong napansin ang seryoso niyang mukha sa rear view mirror ng sasakyan.  Huminga ako ng malalim bago ko ibalik ang atensyon ko sa telepono ko, "Can you focus on the road and stop talking?" Mahina kong sabi pero alam kong naramdaman niyang naiinis na 'ko.  Unti-unti na 'kong kinakain ng konsensya ko dahil sa ginagawa ko sa kanya. Kahit ako, kinu-kwestiyon ko rin ang aking sarili kung bakit ganitong ugali ang meron ako. Siguro dahil sa mga sinabi sa'kin ni Mom noong bata pa 'ko.  Kunwari n'yang zinipper ang bibig n'ya at bahagya akong nginitian. Actually, he's cute. He's so cute to the point na nagiging gwapo na s'ya. Sayang lang kasi bodyguard s'ya. When we arrived at the house, agad akong naka-isip ng plano para tumakas. "Pasok mo na 'to sa loob." Sabi ko sa kanya at agad naman n'ya akong sinunod. Pinadala ko na lahat sa kanya para mabilis akong makaalis, agad akong pumasok sa driver's seat and started the engine. Palabas na sana ako ng gate nang bigla s'yang humarang sa daan dahilan para mariin kong tapakan ang brake. "Are you serious?" Galit kong sabi.  Agad kong kinapa ang mukha ko para tingnan kung may dumudugo o masakit ba sa'kin. Nakahinga naman ako ng wala akong maramdaman na masakit. Agad akong lumabas ng sasakyan, "Baliw ka ba? Anong ginagawa mo d'yan?" "Saan ka pupunta?" "Wala kang pake!" galit kong sabi sa kanya. I don't care kung sisiraan n'ya ako or if someone is recording me right now or anything. I just want to go to my place. "Umalis ka d'yan and let me go," I said. Pero bago pa 'ko makasakay ay agad n'yang hinila ang braso ko and grabbed the keys out of the ignition key. He faced me before fixing his hair na humaharang sa mata n'ya. "Just let me drive you, ayokong umalis ka mag-isa."  *** "Bakit ka pumupunta rito? Pwede kang ma-rape rito. Madilim dito at tanging mga bituin lang ang liwanag mo." Basag niya sa katahimikan. "Walang pwedeng pumunta rito kasi, I owned this property." Mabilis kong ininom ang alak na hawak ko. Masakit na ang ulo ko at nahihilo na rin ako.  "Binili mo 'tong property na 'to para iyakan lang?" Tanong niya ulit.  "Yes. Gagastos ako basta may maiyakan lang ako at may masabi man lang akong akin." Nang masabi ko 'yun ay mabilis na tumulo ang mga luha ko. Gusto kong tumigil sa pag-iyak pero hindi ako hinahayaan ng alak na gawin 'yun.  "Ang lungkot mo pala. You know what, that's my sister's dream. Gusto n'yang maging artista katulad mo" Umiling ako sa kanya nang sabihin niya yun... "Don't let her reach that dream." "Bakit naman?" "Hindi madali. Everyone will waste their time on you makal-kal lang nila lahat ng baho mo. I don't have any privacy, actually. And just to protect this property, I named this to my cousin..."  Hindi ko na namalayang naubos ko na pala ang mga alak na binili ko. This is my first time crying in front of other people. Alam ko namang hindi na siya magugulat dahil lahat naman ng tao ay nakita na kung paano ako umiyak. Hello, artista ako 'no.  Bumabaliktad na ang sikmura ko, umiikot na rin ang paligid at masakit na rin ang ulo ko. Isa lang naman ang magpapatunay na lasing na ako. Kapag nag-i-ingles na 'ko, ibig sabihin, lasing na 'ko. Hindi pa naman ako lasing, d'ba.  "One wrong move, and your cancelledt. With the t ha. Hindi ka cancelled kapag walang t." I said which made him laugh. Halos ka-edad ko lang yata 'tong si Noe kaya nagegets n'ya ang sinasabi ko. "Your drunk," Aniya.  "Hindi pa 'ko lasing. Ikaw ba, noong nakita mo ako. Anong unang pumasok sa isip mo?" "You're sexy and you're beautiful. Akala ko maganda ka lang kasi may filter yung movie but I was wrong, you're really a good looking person. Parang ang perfect mo. Parang ang perfect n'yo ng boyfriend mong si Kurt." I can't understand what he said pero may iba naman akong naintindihan. Bahagya akong tumayo and when I'm about to fall agad n'ya akong nasalo. I put my both hands on his nape and I felt his hand on my ass na mabilis n'yang inalis at pinunta sa bewang ko. "Let me tell you something, sinusuot ko yung bra ko ng more than two days. I'm not that perfect, Noe." I said, but before I let him go, "Kurt is not my boyfriend. Bayad kami pareho," Dagdag ko. I gave him a smile and simply touched his pointed nose.  "Your secret is safe to me, Cake," Aniya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD