Nanginginig ang mga kamay ko at hindi ko man lang magawang lingunin ang ibang fans na tumatawag sa'kin sa bawat sulok ng studio. Sinuot ko ang malaki at itim kong sunglasses para walang kahit na sinong makakita sa namamaga kong mga mata. Ilang oras akong umiyak kanina, at nagmamakaawa kay Mom na hindi ko kayang gawin ang gusto niya. Sa halip na intindihin at iiwas niya ako sa gulong ito, mas pinili niyang takutin ako para magsalita. Takot na takot ako kanina at madaling-madali akong umalis ng bahay para makapunta rito dahil habang umiiyak ako kanina, sinasabi sakin ni Mom ang mga kaya niyang gawin kay Noe. Nananahimik na si Noe. Wala na akong balita sa kanya pero nararamdaman kong nasa mabuti na siyang kalagayan. Maayos ang negosyo niya ngayon at kung sikat ang kumpanya niya noon ay ma

