Unti-unti ko rin natanggap ang mga eksplenasyon ni Noe. Sino nga ba naman ang mag-aakala na mayaman na lalaki pa rin ang bagsak ko? Kontento naman ako sa kung anong meron si Noe dahil simula nang makilala ko s’ya, hindi na ‘ko kailanman tumingin sa kung gaano kayaman ang mga taong nasa paligid ko. Natutunan ko sa kanya na hindi dapat sa bulsa binabase ang trato sa isang tao kundi sa puso nito. I used to think that people with money can make my future secured. Lumaki akong spoiled kay mom and dad kaya nasanay akong nakukuha ko lahat ng gusto ko. Madalas sinasabi sa’kin ni mom na hindi ako magiging masaya kapag mahirap ang lalaking minahal ko kaya’t nadala ko iyon hanggang sa lumaki ako. ‘Yun ang dahilan kung bakit natuto akong maliitin ang mga tao sa paligid ko. But love can change ever

