Dahil sa lihim naming relasyon ni Noe, nanatili kami sa set-up na pinalano naming dalawa. Ang magkita tuwing linggo at ang pagtakas ko ng dalawang beses sa isang linggo para makipagkita sa kanya. Kahit mahirap, nangingibabaw pa rin ‘yung saya dahil ginagawa ko ito para sa taong mahal ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagagawa kong suwayin si Mom. All my life all I did was to obey her. Alam kong masama at kahit kailan ay hindi magiging magandang imahe ang pagsuway sa magulang pero parang hindi ko kakayanin kung mawawala sa’kin si Noe. Call me anything you want. Baliw sa lalaki, despreda, malandi, o kahit na ano pa. Pero hindi ko kayang mawala sa’kin ‘yung taong nagparamdam sa’kin kung ano ‘yung totoong pagmamahal. Ang pagmamahal ay masaya, malaya, at hindi nakakasakal. That’s what he m

