Naglalakad kami ni Kurt sa hallway papunta sa dressing room ko nang biglang tumawag si Yohan. Mas madalas kong kausap si Yohan kaysa si Noe dahil mas ligtas kung s'ya ang kausap ko. "Hello, Yohan?" Tinapunan ko ng tingin si Kurt nang bigla s'yang humawak sa bewang ko. Dahan-dahan ko iyong inalis bago ako muling nagsalita, "Napatawag ka?" [Just want to ask if you're free this coming saturday?] Nang makapasok kami sa dressing room ay agad akong dumiretso sa vanity ko para tingnan ang sarili. Umupo sa tabi ko si Kurt at muling nilagay ang kamay n'ya sa aking bewang na muli kong inalis din agad. "I'll check my schedule. Anong meron sa friday?" I asked before I gave Kurt a glare. [Birthday kasi ng girlfriend ko tapos anniversary din namin. Konti lang ang handa dahil tayo lang naman nin

