Dahan-dahan s'yang lumingon sa'kin at nang makita ko ang kanyang malawak na ngiti ay agad ko s'yang tinalon ng yakap. Sumisid ako sa kanyang leeg at mas hinigpitan pa ang yakap sa kanya. Naramdaman ko ang paghawak n'ya sa aking bewang at ang mahigpit n'yang pagkapit don. "I missed you," he sighed. "I missed you too, Love." Dahan-dahan kong tinulak ang aking sarili papunta sa ibabaw ng hita n'ya gamit ang aking paa. Nanatili akong nakayakap sa kanya habang ginagawa iyon. Kumalas ako sa kanya at sa hindi ko mamalayang dahilan ay nagkaroon ng luha sa aking mata. "Love…" sambit n'ya at bakas sa kanyang mata at tono ng boses ang pag-aalala at pagtataka dahil sa mga luha sa aking mga mata. Mahirap ang naging pwesto ko dahil masikip ang espasyo sa pagitan n'ya at sa pagitan ng manibela.

