Noe I'm here in the living room, waiting for Cake to be done. May taping daw siya ngayon at kailangan ko siyang ihatid at samahan sa set. Ito naman ang madalas naming ginagawa kaya hindi ko alam kung bakit sinabi niya pa 'yun sa'kin kaninang umaga. She's so weird. Napangiti ako ng bahagya dahil sa aking naiisip. Napawi ang mga ngiti ko nang mahagip ng mata ko ang si Tita Dinah, mom ni Cake. Tumayo ako at marahan na yumuko. "Good Morning, Ms. Dinah." "What's good in the morning?" mataray at diretso niyang sagot sa'kin. Yumuko ako muli at bumaba ang tingin sa sahig. Marahan siyang lumapit sa'kin kaya't nanatili akong nakatungo. "Tumingin ka nga sa'kin," aniya. Sumunod ako sa sinabi niya. "Gusto mo ba ang anak ko?" Natahimik ako bigla. Alam ko at malinaw sa'kin ang sagot sa tanong

