Pagpapatuloy... Pero I keep on saying na hindi ko kaya. Hindi ko kayang sundin ang mga direktor kung sakaling sabihin nilang halikan ko si Kurt. Hindi ko kayang tingnan si Kurt katulad ng tingin ko kay Diego. I love Diego more than anything. Kaya ko siyang ipaglaban kahit kanino at sa kahit na anong sitwasyon. Kaya kong iwan ang career na nasimulan ko para sa kanya. Natapos din lahat nung gabing ‘yun. Hindi ko inakala na nasundan pala ako ni Mom and she saw us. She saw me crying to Diego, at narinig niya rin na sinabi ko kay Diego na pagod na pagod na ‘kong intindihin siya at pagod na ako maging sunud-sunuran sa kanya. Alam ko naman na ang career ko lang ang mahalaga sa kanya. Hindi ko naman ginusto ang pag-a-artista, at dahil nga sa gusto niya, ginawa ko para sa kanya. Halos wala

