“I’m sorry.” basag ni Kurt sa ilang minutong katahimikan. Marahan na napalingon sa kanya si Noe na nasa tapat ng bintana, nakasandal at naka halukipkip. Blanko lang ang utak ko ngayon at wala akong alam na pwedeng isagot sa kanya. Isa lang ang malinaw sa’kin ngayon. Malinaw na malinaw na kaya niya akong bitawan at iwan kahit kailan niya gusto at kailangan. “Tayo pa rin ba?” natigilan ako nang marinig ko ‘yun sa kanya pero naisingit ko pa rin ang palihim kong pag-irap. Pati sa’kin ay ginagamit na rin niya ang mga moves niya sa mga nakikilala niyang girls behind the camera. Oh, come on. “We have a contract, Kurt. I have no choice kundi gawin ang trabaho ko.” sagot ko sa kanya dahilan para mapawi ang mayabang niyang ngiti. Pilit akong ngumiti sa kanya at sinigurado kong mahahalata niya ‘y

