CAKE'S P.O.V. "Hindi pa rin ako tapos, Cake. Bakit ka ganun ka-lapit sa lalaking 'yon? Gusto mo na ba s'ya? Ha?" Hindi ko pinansin ang sinabi ni Mom at mabilis na pumasok sa kwarto ko. Galit kong binato ang mga gamit ko sa aking kama bago ko mabilis na dinampot ang twalya ko para makapag palit. Pero bago ko pa magawa 'yun ay agad na hinarangan ni Mom ang dadaanan ko. "Just let me change, Mom!" Singhal ko. She pushed me towards the bed kaya agad akong napa-upo ron. "Your love team is at risk! Habang ikaw, nakikipaglandian d'yan sa gwardyang 'yan!" Nanatili akong tahimik kanina pero hindi ko na nagugustuhan ang mga salitang binibitawan niya. "Don't say that, Mom! He's my friend, nandyan s'ya nung mga panahong wala akong malapitan. Kaya please lang, 'wag n'yo na s'yang idamay dahil wal

