AIRAM PAULEEN "Pau, are you ready?" tanong ni Sir Steve sa akin, buhat niya ang maleta ko palabas ng kwarto ko. "Ngayon na po ba ang alis natin, Sir?" "Oo, kaya magpaalam ka na sa kaibigan mo, matagal-tagal din kayong hindi magkikita. Dito ko na nga pala siya pinatira, para naman may maglinis dito habang wala tayo." sabi ni Sir Steve sa akin. Napangiti naman ako dahil makakatipid na ang kaibigan ko at maayos pa ang titirahan niya. Kahit paano, hindi na ako mag-aalala sa kanya. Nakita kong lumabas si Anne sa kanyang silid. Alam kong nalulugkot siya sa pag-alis ko; kung pwede ko nga lang siyang isama, ginawa ko na. Kaso, ako nga sabit lang dahil kay Sir Steve. "Anne, akala ko hindi ka na lalabas ng silid mo? Akala ko ayaaw mo na sa akin magpakita." kuwaring nagtatampo kong sabi sa kaib

