bc

My Billionaire Boss Is My Ex-Husband

book_age18+
797
FOLLOW
10.6K
READ
billionaire
contract marriage
family
HE
age gap
forced
second chance
dominant
heir/heiress
drama
sweet
bxb
gxg
lighthearted
serious
office/work place
musclebear
assistant
like
intro-logo
Blurb

Si Airam Pauleen Esplana ay isang simpleng dalaga, na nakatira sa lalawigan ng laguna, siya ay nakapag tapos ng dalawang taon sa kolehiyo sa kursong computer secretarial. Ang kanilang sakahan ang tanging pinagkukunan nila ng kinabubuhay. Ito ay naisangla noong naaksidente ang kanyang ama at nagailangan sila ng perang pambayad sa ospital. Ngunit ngayon ay malapit na itong mailit ng bangko dahil sa hindi na nila ito kaya pang bayaran.

Sa desperasyon ay tinanggap niya ang alok na kasal ng isang negosyante na nakilala niya sa pinagtatrabahuhan niyang club bilang isang waitress. Si William Miller isang bilyonaryong na nagpanggap lumpo, inalok siya nitong magpakasal sa kanya kapalit ng pag bibigay nito ng pera pantubos sa kanilang nakasanlang lupa.

Labag man sa loob ni Pauleen ay pikit mata niyang pinakasalan si William para lang matubos niya ang lupang nakasanla. Nagkunwari si William na may pagtingin siya sa dalaga para pumayag ito sa gusto niyang kasal. Ngunit nagulat ang dalaga ng matapos ang kasal nila ni William ay nalaman niyang hindi pala ito totoong lumpo at nagpanggap lamang. Paano niya tatanggapin ang panlolokong ginawa sa kanya ni William kung ang bawat himaymay ng pagkatao niya ay tanging pangalan na lang ni William ang isinisigaw.

Ang akala niyang masayang pagsasama nila ni William ay napalitan ng mga gabing punong puno ng lungkot. Hindi niya akalain na ginamit lamang siya ng lalaki para makuha ang kayamanan na pamana ng kanyang lolo. Dahil sa mga panloloko sa kanya ni William ay nagpasya na siyang iwan ito at mamuhay ng mag-isa. Nakipag hiwalay siya sa kanyang asawa at umalis sa bahay nila. Huli na ng malaman niya na nagdadalang-tao siya.

Paano kung muling mag krus ang landas nila ng dati niyang asawa? Magkaroon pa kaya ng second chance ang naudlot nilang pagmamahalan? May pag asa pa kayang masabi nila ang kanilang tunay na nararamdaman sa isa't isa? Paano ipaglalaban ni Pauleen ang kanyang pagmamahal kung ang lalaking itinitibok ng kanyang puso ay may mahal na palang iba? May pag-asa pa kayang mabuo ang pamilyang matagal niya ng inaasam?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
PAULEEN Nag aagaw pa lang ang liwanag at dilim ng bumangon ako sa aking higaan, panay na ang tilaok ng mga manok kaya alam kong mag uumaga na. Ganito kami lagi sa probinsya, ang mga tunog ng mga hayop ang siyang nagsisilbing orasan namin. Nakatira kami dito sa isang liblib na lugar sa lalawigan ng Laguna na ang tanging ikinabubuhay ng aming pamilya ay ang pagtatanim ng mga gulay. Lumabas ako ng aking maliit na silid at nagtungo sa kusina. Kailangan kong maghanda ng aming agahan para makakain ang aking dalawang kapatid bago pumasok sa eskwela. "Anak, ang aga mo naman yatang nagising." bungad sa akin ni nanay. "Hindi na po kasi ako maatulog dahil sa tilaok ng mga manok, maaga din po akong pupunta sa taniman natin para magbungkal ng lupang pagtatanim ng mga sitaw at talong." sagot ko kay nanay. "Pasensya kana sa amin ng Tatay mo anak ha, kung dangan kasing bundulin siya ng walang pusong lalaking yon. Ang masakit tinakbuhan pa at ni hindi man lang tinulungan." naiiyak na naman na sabi ni Nanay. "Hayaan na po natin yun Nay, pasasaan ba at mahuhuli din po ang gumawa niyan kay Tatay. Ang mahalaga ho ay buhay siya at kasama pa rin natin siya hanggang ngayon. Gagaling din po si Tatay, naniniwala po ako na makakaahon din po tayo sa hirap." sabi ko kay nanay. " Pero hindi ko alam kung kaya ba namin talaga ang makaahon sa hirap. Sa laki ng pagkakasanla nitong lupa namin na minana pa ni Tatay sa mga lolo at lola ko, hindi ko alam kung saan kami kukuha ng pang tubos. Saang kamay ng langit ko kukunin ang kalahating milyon, kahit yata bungkalin ko ang bukid araw-araw at itanim lahat ng klase ng gulay ay hindi ako makakaipon ng ganoong kalaking halaga. Sapat lang ang pinagbebentahan namin ng gulay para sa pang araw-araw naming gastos dito sa bahay. "Gisingin ko lang po si Alice at Bryan." sabi ko kay Nanay. Pumasok ako sa isa pa naming silid na maliit kung saan natutulog ang mga kapatid ko. Si Alice ay grade 8 palang samantalang si Bryan naman ay nasa grade 6 pa lang. Ako naman ay nakapagtapos sa kolehiyo ng dalawang taon sa kursong computer secretarial. Hindi ko rin naman magamit ang pinag aralan ko dahil hindi ko naman pwedeng hayaan lang si nanay mag isa dito sa pagtatanamin. "Alice, Bryan, gising na kayo dyan, tanghali na mahuhuli na naman kayo sa klase." sabi ko sa mga kapatid ko. Pupungas-pungas silang tumayo na dalawa at pumunta sa lababo para mag mumog. Pinag handa ko na sila ng pagkain nila, sinangag na kanin saka pritong itlog na kinuha sa mga alaga naming manok na nakakulong sa likod bahay. Inayos ko na rin ang baunan nila para sa kanilang tanghalian. Kanin at nilagang itlog at daing ang ulam nila sa tanghali. Masaya na kami sa ganitong ulam, hindi uso sa amin ang magreklamo. Pinalaki kami nila Nanay na kung ano lang ang meron ay dapat naming pagtyagaan. Mag aalas sais na ng umaga handa na ang mga kapatid kong pumasok sa eskwela. Bitbit ang kanilang bag, inilagay ko na rin sa sando bag ang unan nila at ang tubig nila na nakalagay sa isang maliit na mineral water. Saka ko ibinigay sa kanilang dalawa at binigyan ko din sila ng baon nila na sampu para kay Bryan dahil grade 6 pa lang naman siya at bente nmn para kay Alice. "Nay, Ate, alis na po kami ni Bryan." paalam sa amin ni ALice. Humalik sila kay nanay at yumakap naman silang dalawa sa akin. "Mag-iingat kayong dalawa, Alice si Bryan tignan mo ha, ikaw na bahala sa kanya. Huwag na kayong dadaan kung saan-saan mamaya pag uwi. Hihintayin mo si Bryan, naiintindihan mo ba si Ate." sabi ko kay Alice. "Opo Ate, ako na pong bahala sa kanya. Alis na po kami, para po hindi kami malate." sagot ni ALice. Hinatid ko lang sila sa tarangkahan namin saka ko sila tinanaw hanggang sa tuluyan na silang mawala sa aking paningin. Ako naman ay bumalik na sa loob ng bahay para mag umpisa ng mag imis at pagkatapos ay pupunta na ako sa bukid para mag bungkal ng lupa. Kailangan namin makapagtanim ngayon para may anihinn kami sa mga susunod na buwan at mayroong maibenta sa palengke. Mula ng masagasaan si Tatay ay ako na ang sumali sa kanyang trabaho si Nanay naman ang nagbebenta kapag nag aani kami sa umaga. Para kinabukasan ay may panggastos na naman kami. Ganito lang ang buhay namin, kahit gusto kong magtrabaho sa bayan ay hindi ko magawa dahil mas lalo kaming walang kakainin kapag hinintay ko ang sahod na buwanan. Pagkatapos kong maligo at magsuot ng damit na pangtrabaho sa bukid at pumasok muna ako sa silid nila nanay. Pinuntahan ko muna si Tatay para magpaalam sa kanya na aalis na ako. Nakahiga siya sa papag na matigas at may bakal ang mga paa niya. Pinag iipunan ko pa siyang maibili ng wheel chair para kahit papaano ay makalabas naman siya dito sa kanilang silid. "Tay, kumain ka na lang po kapag nagutom ka ha, pupunta lang po ako sa bukid para ayusin ang pagtataniman ko ng talong at sitaw, malapit na po ang tag ulan kaya dapat ay maihabol ko ang pagtatanim. Para po may anihin kami ni nanay sa mga susunod na buwan." sabi ko kay Tatay. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata at ang pamumuo ng luha sa gilid nito. "Tay, huwag ka na pong malungkot, bilisan mo po ang magpagaling para para dalawa tayong magsasaka sa bukid. Malalagpasan din natin ito. Huwag kana pong mastress at hindi po yan makakatulongn sa paggaling mo." sabi ko kay Tatay. Kapag nakikita ko ang mga magulang ko na nahihirapan ay hindi ko din mapigilan ang maging emosyonal. Gusto ko silang tulungan na maiahon sa hirap pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Parang napakahirap para sa kagaya kong mahirap ang magkaroon ng oportunidad. Kung minsan iniisip ko na lang na mag abroad para kahit papaano gumaan ang buhay namin. Pero di naman maatim ng konsensya ko na iwan ang mga magulang ko sa ganitong sitwasyon. Lumabas na ako sa silid ni Tatay pagkatapos kong humalik sa noo niya. Naabutan ko si Nanay na nag aayos ng paninda niya kakagaling lang niya s bundok na namitas ng mga nauna na naming itinanim. Malaking tulong din ito sa amin dahil araw araw ay may pinagkukunan kami ng pera para pambaili ng mga kailangan namin dito sa bahay. Kung hindi sana naaksidente ang Tatay ko, ayos naman sana ang buhay namin. Baka ngayon ay nagtatrabaho ako sa bayan. Pero dahil binundol siya ng walang kaluluwang lalaki na sabi ng mga pulis ay nasa impluwensya ng alak at parang isa daw kilalang tao. Ito na ang sinapit ng aming buhay, daig pa namin ang langgam na araw-araw kailangan magbanat ng buto para lang may ipangtustos sa pangangailangan naming lahat.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

KIDNAPPED BY THE HOT UNCLE

read
53.7K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
78.0K
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
57.1K
bc

The Ex-wife

read
232.1K
bc

Hate You But I love You

read
62.8K
bc

NINANG PATRIZ (SPG)

read
24.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook