CHAPTER 2

1538 Words
AIRAM/PAULEEN Abala ako sa pagbubungkal ng lupa dito sa bukid kailangan kong tapusin ito ngayong araw par bukas ay pwede ko na itong taniman ng gulay. Hindi ko na namamalayan ang oras na magtatanghali na pala, pinunasan ko ang noo ko ng likod ng palad dahil sa mga pawis na tumutulo. Dahil sa kagustuhan kong mabilis na matapos ang trabaho ko ay hindi ko na makuha ang magpahinga. Naglakad ako papunta sa may silong ng mangga para magpahinga. Konti na lang naman ang bubungkalin ko kaya gusto ko na itong mtapos ngayon. Habang nakaupo ako at umiinom ng tubig ay may isang lalaking tumawag sa akin sa di kalayuan. Nakilala ko naman siya, siya si Patrick, ang kababata ko at laging inaasar sa akin ng mga taga dito. "Airam, tulungan na kita sa ginagawa mo," sabi ni Patrick. "Ayos lang patapos na naman ako, kayang kaya ko na to." sagot ko. "Kung sinasagot mo na kasi sana ako, dapat may katuwang kana sa pagtatrabaho dito sa bukid ninyo. Ako na sana ang gumagawa niyan at ikaw ay nasa bahay lang." sabi niya sa akin. "Patrick, hindi ko kailangan ng lalaki para magtrabaho sa akin. Hindi ako imbalido para iasa sa iba ang pamilya ko. Isa pa hindi mo nga matulungan ang nanay at tatay mo sa pagsasaka tapos ako tutulungan mo." naiirita kong sabi sa kanya. "Syempre iba ka naman, kayang kaya na nila tatay ang mag araro sa bukid di na nila kailangan ang tulong ko." sagot niya sa akin. "Naku, bahala ka nga sa buhay mo." inis kong sabi sa kanya. Ang lakas manligaw, asa lang naman sa magulang. Isa lang siyang tambay na walang pakinabang. Wala akong balak magka boyfriend ng tambay baka ang ending lalo na akong mag hirap pag siya ang nakatuluyan ko. Ipinagpatuloy ko na ang ginagawa ko, natapos ako bago pa magkapananghali. Uuwi muna ako para kumain at babalik na lang ako mamayang hapon para taniman ito ng gulay. Gusto kong puntahan ang kaibigan kong si Anne para tanungin kung applyan ba sa club na pinapasukan niya. Gusto kong subukang mag apply bilang waitress baka sakaling matanggap ako, may pandagdag man lang sa pambili namin ng gamot ni Tatay. Pagdating ko sa bahay ay inabutan ko si nanay na umiiyak. "Nay, ano pong nangyari?" nag aalala kong tanong kay nanay. "Anak, may dumating kasing sulat galing sa bangko. Binibigyan na lang nila tayo ng 6 na buwan para makabayad ng utang natin. Pag hindi natin yun nabayaran paalisin na nila tayo dito sa lupa natin." problemadong sabi ni nanay. Sumasakit ang ulo ko dahil sa sunod-sunod na problema. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ba. Minsan gusto ko ng sumuko, pero pag naiisip ko naman ang mga magulang ko naaawa ako sa kanila. Ako na lang naman ang aasahan nila. "Huwag na po kayong umiyak nay, ako na pong bahala gagawan ko po ng paraan. Pupunta po ako mamaya sa bayan para maghanap pa ng trabaho na pwedeng makatulong sa atin para makaipon ng pambayad sa bangko." sabi ko kay nanay. Pumunta na ako sa kusina at naghanda ng pagkain ko kailangan kong magmadali para makapunta ako kay Anne. Sana lang ay may bakante pa sa trabahong inaalok niya sa akin noong nakaraan. Mas malaki daw ang kita lalo nan kapag at mga mayayaman ang parokyano ng nasabing club. Pagkatapos kong kumain ay nagpahinga lang ako sandali at saka ako naligo. Nang matapos na ako ay pinili ko ang pinakamaayos kong bistida at yun ang isinuot ko. "Nay, punta lang po ako sa bahay nila Anne, itatanong ko lang po kung pwede pa po ako mag apply sa pinapasukan niya bilang waitress." paalam ko kay nanay. "Sige anak mag-iingat ka." Naglakad na ako palabas ng tarangkahan namin na gawa sa kawayan at tinahak na ang daan papunta sa bahay nila Anne na hindi naman kalayuan. "Anne! Anne!" tawag ko sa pangalan ng kaibigan ko. Hindi naman nagtagal ay lumabas na din ang taong pakay ko. "Pauleen, ikaw pala!" sabi sa akin ni Anne. "May kailangan ka ba?" "Itatanong ko lang sana kung may applyan pa ba sa pinapasukan mo?" "Gusto mo na bang maging waitress?" "Kung available pa, kailngan ko makaipon ng pera. Di ba sabi mo malaki sa ng sahod doon at may tip pa galing sa mga customer." Tanong ko kay Anne. "Oo naman, tignan mo kami nakakapagpatayo na ako paunti unti ng bahay namin, dahil lang yan sa sweldo ko sa club at sa mga tip ng mayayamang parokyano nila. Huwag kang mag alala, wala naman mangbabastos sayo doon dahil bawal bastusin ang mga waitress kaya safe ka. Ano G ka na ba?" masayang sabi ni Anne. "Sige, kailan ba ako pwede mag apply?" tanong ko sa kanya. "Tutal nakabihis ka na naman, gusto mo ba na pumunta na tayo ng bayan para makapag apply kana." sabi sa akin ni Anne. Agad akong umoo sa kanya, wala na akong dapat pang palagpasin na pagkakataon. Kailangang-kailangan ko ngayon ng extra na pagkakakitaan para kahit paano ay makaipon kami pang tubos sa lupang nakasangla. Pagdating namin sa bayan ni Anne ay pumasok kami sa isang club na ang pangalan ay "Neon Lights." "Kuya nanjan pa si madam?" tanong ni Anne sa guard na nasa may pintuan. "Nasa loob pasok ka na lang." sagot naman nito. "Halika na Pauleen," aya sa akin ni Anne sabay hila ng kamay ko papasok sa pinto. Pasok pa lang namin ay parang natakot na ako, madilim ang buong paligid at may mga lalaki na nag lilinis, tanging malalamlam na ilaw lang ang nagbibigay ng liwanag sa buong paligid. Naglakad pa kami sa bandang likod ng pasilyo at pumasok sa isang silid. "Magandang hapon po, madam." bati ni Anne sa isang babae na nakaupo sa kanyang swivel chair. "Siya ba ang sinasabi mong gustong mag waitress?" "Opo, madam, siya po ang kaibigan kong si Pauleen." mabilis na sagot ni Anne. "Magandang hapon po, Madam." magalang ko namang bati. "Kung tatanggapin kita, kaya mo bang magtrabaho ng mula alas sais ng hapon hanggang alas dos ng madaling araw?" Tanong niya sa akin. "Opo, wala naman pon problema." sagot ko. "Kung takot kang uuwi may kwarto naman tayo dito na pwede ninyong tulugan para palipasin ang gabi." muli pang sabi ni Madam. "Gusto mo na bang magsimula ngayon?" "Opo, mabilis kong sagot." "Anne samahan mo siyang kumuha ng uniform niya para makapag bihis na kayo at tumulong na rin kayo sa paglilinis sa labas." sabi sa amain ni Madam. Lumabas na kami ng opisina ni madam at ng punta sa supply. Kumuha kami ng talong pares na uniform saka kami tumuloy sa locker room. "Diba sabi sayo tanggap ka agad, malaki ang sasahurin mo dito lalo pag may nagkagusto sayong customer. Mayayaman ang pumapasok sa club na ito kaya wala kang maamoy na amoy lupa, puro mamahaling pabango ang manunoot sa mga ilong mo." sabi pa ni Anne. Sumapit ang alas sais ng gabi, isa-isa ng pumapasok ang mga parokyano ng Neon Lights. Tama nga si Anne, halos puro naka amerikana ang mga lalaking nakikita ko at halatang mamahalin ang kanilang kasuotan. Hindi maikakailang mayayaman talaga sila. Nagsimula na akong mag trabaho at naging maayos naman ang ginagawa ko. May tumawag sa akin na isang grupo ng kalalakihan. "Waitress!" tawag ng isang lalaki na medyo may tama na ng alak. Mabilis akong lumapit sa kanila para tanungin ang kailangan . "Miss, bigyan mo pa nga kami dito ng whisky at yelo," sabay abot sa akin ng lilibuhin na pera. Mabilis ang mga kilos ko at agad akong lumapit sa counter at ibinigay ang order nila. Ibinigay ko rin ang bayad na ibinigay sa akin. At sobra-sobra ito. Pagbalik ko sa pwesto nila ay ibinigay ko ang order nila. "Sir, ito na po ang order ninyo," magalang kong sabi. "Ito rin po sir yung sukli ninyo." sabay abot ko ng pera sa lalaking nagbigay sa akin nito. "keep the change, miss. Basta gusto ko kapag nandito ako ikaw ang mag seserve sa amin ha." nakangiti niyang sabi sa akin. "Sir masyado pong malaki ito para ibigay niyo po sa akin." nahihiya kong sabi." tangi ko sa kanya. "I like you miss, sa lahat ng binigyan ko ng pera ikaw lang ang tumatanggi." nakangiti niyang sabi. Nakita kong dumukot siya sa kanyang bulsa at inilabas niya ang kanyang pitaka. Kumuha pa siya ng ilang libo at iniabot sa akin. "Idagdag mo pa ito dyan sa sukli, dahil gusto ko ang ugali mo." sabi niya sa akin. "Naku sir, okay na po ito, hindi ko na po iyan matatanggap." giit ko sa kanya. "I insist, bihira na lang ang mga babaeng kagaya mo. Karamihan sa mga babae ngayon muka ng mga pera. Ngayon lang ako naka encounter ng kagaya mo kayadeserve mo yan." Sabi niya sa akin sabay kinuha niya ang palad ko at inilagay ang ilang libo sa kamay ko. "Maraming salamat po sir, malaking tulong po ito sa pamilya ko." naiiyak kong sabi. Unang araw ko pa lang sa trabaho at may maiuuwi agad akong pera para sa pamilya ko. Tama nga ang sabi ni Anne makakaipon ako dito ng pera para pambayad sa bangko sana noon pa ako pumasok dito. Baka ngayon marami na akong ipon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD