AIRAM PAULEEN Matapos namin mag usap ni nanay ay muli akong nahiga, hindi ko magawang tumayo ng matagal gawa ng masakit pa ang aking gitna. Masyado yata kaming nasabik sa isa't isa kaya ito ngayon ng resulta. Daig ko pa ang bagong panganak mukang namaga yata ang bilat ko. "Mommy, sabi ni Daddy your sick daw po?" narinig kong sabi ni Shylo, kasama ang daddy niya at may dala silang isang try ng pagkain. "Wala pong sakit si Mommy, baby, medyo inaantok lang po ako kaya hindi pa ako makatayo." Wika ko sa aking anak. "Mommy, sabi po ni Daddy ay bati na daw po kayo. Ibig sabihin ba ay sa atin na po siya titira?" Muling tanong ni Shylo. "Anak, pag balik natin sa Manila ay doon na tayo titira sa bago nating bahay. Sasama na po kayo sa akin, ikaw, si Yamir at si Mommy mo." sagot naman ni Willia

