THIRD PERSON Agad na inutusan ni William ang mga pulis para hanapin ang lalaking kumuha kay Shylo. Tinignan rin nila ang lahat ng CCTV para malaman ang totoong nangyari. Nakita nila na may mga kahina - hinalang mga lalaki ang bumaba mula sa isang Van. Dahil medyo madilim ay hindi nila naplakahan ang sasakyan. Tinawagan ni William ang kaibigan niyang General para makapag lagay sila ng check point sa mga posibleng pwedeng daanan ng mga dumukot kay Shylo. Isa lang ang pinaghihinalaan niyang gagawa ng ganito sa kanyang pamilya. Tatawagan na niya sana ang kanyang abogado ng tumunog sang cellphone ni William. "Mr. Miller, mag iingat po kyo, nakalabas po ng kulungan sila Kylie at Sixto kagabi. Ngayon ko lang po itinawag sa akin ng kilala kong pulis kung saan nakakulong yung dalawa. May binayar

