THIRD PERSON Papalapit na ang kasal ni William at Airam, halos ayos na lahat ng kailangan nila. Naging maayos na ang lagay ni Airam kaya kahit papaano ay natulungan niya na si William sa pagkuha ng liscense nila para sa kasal. “Wifey, ready ka na ba para sa kasal natin, sa isang araw na yun.” Tanong ni William, nakaupo sa veranda habang humihigop ng mainit na kape. “Thank you, mahal, kahit alam kong hindi na naman natin kailangan magpakasal pa sa simbahan dahil kasal na tayo, pinili mo pa ring ibigay sa akin ang dream wedding ko. Mabuti na lang din at nakikisama si baby, mag 3 months na siya pero mula ng mag propose ka sa akin ay hindi na niya ako pinapahirapan lalo na sa gabi.” Ani ni Airam. Nagawa nilang ayusin ang kasal nilang mag asawa, hindi ganun ka bonga ang kasal nila per

