THIRD Nakahanap na si Airam ng damit para kay William, lumabas na siya ng silid niya para ihatid ito sa kwarto ng mga anak niya. Pagtapat niya sa pinto ay hindi na siya kumatok, nakatalikod si William at eksaktong naghuhubad ito ng long sleeve niya. Parang nasamid si Airam ng makita niya ang magandang hubong ng katawan ng dati niyang asawa. "Excuse me, ito na yung damit mo." agaw ni Airam sa atensyon ni William. "Thank you. I'm sorry for what I did earlier — I know it was wrong, but I'm desperate for you to forgive me." Hinging patawad ni William, nagbabakasakali na mapatawad siya ng kanyang asawa. "Huwag mo ng isipin yun, pasensya ka na rin sa asal ko kanina. Matulog kana para makpagpahinga ka." Mahinahon boses na sabi ni Airam. "Goodnight wifey!" sabi ni William bago tuluyan ng lum

