AIRAM PAULEEN "Good morning, boss! Good morning, ma'am," bati sa amin ng isang babae. "Good morning, Yvette. This is Pau Esplana; siya muna ang papalit sa posisyon ko. Pau, she is Yvette, my secretary, at mula ngayon siya na rin ang magiging secretary mo," pakilala sa amin ni Steve sa isa't isa. "Good morning, Yvette. I hope na magkasundo tayong dalawa at maging maganda ang pagtatrabaho natin," sabi ko kay Yvette. "Don't worry, ma'am. Kung ano pong respeto ang ibinigay ko kay boss Steve, ganun din po ang gagawin ko sa inyo. Mag-utos lang po kayo sa akin at masaya po akong paglingkuran kayo, Ma'am." sagot naman ni Yvette. "Let's go to your office, Pau. Miss Yvette, can you make us coffee, please?" sabi ni Steve. "By the way, Yvette, is the CEO in his office right now?" muling tanong ni

