WILLIAM MILLER Para akong nawawala sa sarili ko, ilang ulit niya na akong pinalalabas ng opisina niya pero hindi ako lumalabas. Pilit ko siyang pinagmamasdan dahil malaki talaga ang pagkakahawig nila ng asawa kong si Airam. Malaki lang ang kaibahan nila, ang babaing nasa harap ko ay matapang at palaban. Samatalang si Airam ay tahimik at simpleng babae lang. "Mr. Miller, hindi naman kaya matunaw ako sa paraan ng pagtingin mo sa akin?" sabi niya na nagpabalik ng ulirat ko. "I'm sorry, I was just wondering kung bakit kamukha mo siya, pero malaki ang pagkakaiba ninyo sa pananamit at lalo na sa pagsasalita," sagot ko sa kanya. "And who's that unlucky woman na kamukha ko?" "Wag na natin siyang pag-usapan, it's none of your business," sagot ko sa kanya. Nakita kong tumaas ang kilay niya.

