AIRAM PAULEEN Halos hindi ako nakatulog magdamag dahil sa ingay ng dalawang naglalampungan. Akala mo mga pusa kung magharutan, nakakagigil talaga ang lalaking ito. Hindi ko alam na nuknukan pala ng kalibugan ang lalaking pinakasalan ko. Kaya siguro walang babae ang gustong pakasalan siya dahil sa ugali niyang yon. Kahit ayaw pumikit ng mata ko ay pinilit ko ang sarili ko na matulog, tinakpan ko ang tenga ko ng unan para hindi ko marinig ang malalakas nilang tawa at hiyawan. Kinabukasan nagising ako dahil sa malalakas na katok sa labas ng aking pinto, pupungas-pungas pa akong tumayo habang kinukusot ko pa ang mata ko. Pagbukas ko ng pinto ay galit na mukha agad ni william ang nabungaran ko. "Bakit wala ka pang nilutong breakfast?!" singhal niya sa akin. "Paano ako makakagising ng uma

