AIRAM PAULEEN Isang buwan after kong makapanganak ay nagsimula na akong magtrabaho sa company ni Steve. Ipinasok niya rin ako sa ilang short courses para mas mapabilis ang pagkatuto ko. Ngayon ay 5 buwan na ang kambal at kahit papaano ay malaki na din ang ipinagbago ng buhay ko. Hindi na ako ang dating Airam na laging takot at nahihiya kapag may mga mayayamang tao akong kausap. "Airam, we have a meeting today. My secretary informed me that we have a meeting with Mr. Javier at 2 PM," Steve said. "Okay, I'll come with you. Let me arrange the portfolio that you need for the meeting." sagot ko. Lumabas na ako ng opisina niya para pumunta sa aking opisina, assistant ako ni Steve kaya may sarili rin akong opisina. Sinasama niya ako sa lahat ng business meeting niya para matutunan ko kung pa

