KABANATA 28

2208 Words
PAMELA's POV Naiirita akong nakamasid kay Calyx habang tinutulungan siya ni Joy maglagay sa supot ng mga binibili ng costumers. Nakaupo lang ako sa plastic na upuan at hinahayaan siyang gawin ang gusto niyang paraan ng pagtitinda. Hindi ko mawari kung ano ang dahilan ng kinaiinis ko. Dahil ba sa kakaunti na lang at paubos na ang mga paninda namin na nasa lamesa which means kailangan kong tuparin ang sinabi ko na papayag ako sa date na sinabi niya? O dahil sa haba ng pila ng mga babaing costumers na nasa harapan niya? Ang kumag, mamimigay ba naman ng tig-P500.00 gift check mula sa CHSA at take note, may free yakap at kiss pa sa pisngi niya ang mga ito. Ang galing din talaga ng diskarte ng lalaking ito. Nangatuwiran pa siya sa akin na wala naman daw akong rule na sinabi kung paano niya dapat ibenta ang mga paninda namin kaya naisip niya ang style na iyon. Tsk! Nang mailagay na ni Joy ang huling kilo ng bangus sa supot ay iniabot na nito iyon sa matandang babaing nasa harapan ng puwesto namin. Ngiting-ngiti naman ang magaling na lalaki habang inaasistehan siya sa pagbibigay ng gift check sa mga taong nakapila ng tauhan niya na hindi ko malaman kung saan lupalop nanggaling. Basta bigla na lang itong sumulpot dito sa puwesto namin. Akala ko nga kanina ay customer lang din. Kung 'di ko pa napansin ang nakaumbok na baril sa tagiliran nito'y hindi ko malalaman agad na tauhan s'ya ni Calyx. Kunsabagay nga naman, Calyx is a billionaire. Siyempre, hindi p'wedeng magpakalat-kalat na lamang siya basta sa katulad nitong pampublikong lugar na walang securities na bitbit. Maybe, he's just asking his bodyguards to dress on civilian clothings para hindi sila masyadong obvious na nakabuntot sa amo nilang may sayad. "Thanks for buying everyone. You're awesome. Siyanga pala, just bring the GC we gave you once you visit the CHSA building para papasukin kayo sa loob ng guard do'n, alright?" kausap niya sa mga tao. Kung makaarte ito'y akala mo artistang may premiere night. May pakaway-kaway pa ang sira-ulo. Tsk! Tuwang-tuwa naman ang mga bumili sa puwesto namin. Aba naman, may gift check na sila, may free kiss, hug at may libreng pa-picture pa sila galing kay Calyx kapalit ng pagbili nila ng mga tinda naming isda at iba pang seafoods. Nakasimangot ako nang biglang humarap si Calyx sa akin. Kitang-kita tuloy niya ang nanunulis na nguso ko. "See? I told you. Kaya ko ipaubos lahat ng mga paninda ninyo?" Ang sarap ng ngisi niya sa akin na sinabayan pa niya ng kindat. "Hmpf, napaubos mo nga kinalakal mo naman ang sarili mo!" inis na sabi ko. "That's what you call strategy, Sweetheart!" Muli niya akong kinindatan na nilangkapan pa niya ng pagkagat sa labi niya. Nyayyy...manyakis lang? "Kilabutan ka nga. Maka-sweetheart ka wagas. At saka ang sabihin mo, pervert ka lang talaga. Nag-enjoy ka rin naman masyado sa iba't-ibang nguso na lumapat sa pisngi mo!" Sa halip yata na mainis siya sa pang-iinsulto ko'y natuwa pa siya dahil sa reaksiyon ko. Tumabi siya sa akin at bumulong sa teynga ko. Naghatid iyon ng kakaibang kiliti sa kaibuturan ko. Ang mainit at mabangong hininga niya'y tuksong nagpawala sa akin sandali sa aking huwisyo. Napapikit ako. "Are you jealous, Sweetheart? Hayaan mo na sila, sa pisngi lang naman dumampi ang mga halik ng mga 'yon. Pero itong labi ko ay naka-reserve para lamang sa iyo," panunudyo niya pa sa akin. "Kadiri ka! Ang m*ny*k mo talaga!" Itinulak ko siya palayo sa akin. Pero kahit na gano'n ang ginawa ko'y ramdam ko na namumula ang mga pisngi ko dahil sa biro niya. Nang mapalayo si Calyx sa akin ay inis ko namang pinandilatan ng mga mata si Joy at ang maskuladong tauhan ni Calyx. Kilig na kilig pa yata ang mga ito habang tumatawa dahil sa amin ni Calyx. Sa pagkaasar ko'y tumalikod ako sa kanilang tatlo. Narinig kong nagpaalam na kay Calyx ang tauhan niya. Kung saan ito dumaan ay hindi ko na napansin at wala na rin akong pakialam. Inabala ko ang sarili ko sa pag-aayos ng mga nakakalat na sisidlan ng mga isda at ice box na gawa sa styro. Itinapon ko rin sa drainage ang mga tunaw na yelo buhat doon. "Sir Calyx, hindi po kaya malugi ang kumpanya mo dahil sa pagbibigay mo ng napakaraming gift checks kanina?" biglang seryosong tanong ni Joy kay Calyx. Nakikinig lamang ako sa kanila habang nakatalikod ako. "Well, like what I said kanina. Good marketing strategy iyon actually. They'll have their free GC's and I'll have them as my potential clienteles. Win-win situation 'ika nga," sagot naman niya. "Ay, wow. Oo nga po 'no? Ang galing ninyo naman po, Sir," papuri ng kapatid kong si Joy sa kanya. "Businessman's mind, e." Grabe talaga! Sobrang confident niya na positive ang magiging outcome ng pa-free gift checks niya. Tsk! Ang yabang talaga niya! Tumayo ako buhat sa pag-aayos ng mga lalagyan. Nakapamaywang akong humarap sa kanya. "Calyx," malakas na sambit ko sa pangalan niya. Kinalabit ko rin siya sa kanyang balikat. Humarap naman siya kaagad sa akin. "Yes, Sweetheart?" "Isa pang sweetheart mo riyan at tatamaan ka talaga sa akin," iritable kong asik sa kanya. Nakakainis lang kasi ang paraan niya ng pagsasalita at pagtingin sa akin. Kung hindi ko siya babarahin ay siguradong bibigay agad ako sa kanya. Ang hirap maging marupok! "Tinamaan naman talaga ako sa'yo, eh. Bull's eye pa nga ang puso ko sa iyo. Matagal na. Kaso lang pinagtaguan mo ako," balik niyang panunudyo sa akin. "Grrrr...Tigilan mo ako, Calyx. Nakakagigil ka!" bulyaw ko na sa kanya. "Wag naman, Sweetheart. Alam kong lovable ako pero 'wag mo naman akong panggigilan." Sa inis ko sa kanya'y dinampot ko ang isa sa mga planggana at ibinato sa direksiyon niya. Tatawa-tawa naman siyang umilag. Pati ang kapatid kong si Joy ay panay na naman muli ang tawa. Ang mga tindera naman ng katabing stall namin ay nakikiusyoso na sa amin. Kinikilig din na hindi maintindihan ang hitsura ng mga ito. Lalo lang tuloy akong naiirita kay Calyx. Mabuti na lamang at ilang sandali pa'y dumating na si Kuya Arwind. "Mukhang nagkakasiyahan yata kayo, ah? Share ninyo naman, ano'ng meron?" interesadong tanong ni Kuya. Sa akin siya nakatingin dahil sa nakapamaywang ako habang namumula ang aking mga pisngi. "Nagkakasiyahan ka riyan, Kuya. Itong amo mo, p'wede ba ipagmaneho mo na pauwi 'to? O kaya naman ihatid mo na s'ya sa kumpanya niya. Naha-high blood lang ako riyan," nakasimangot kong angal kay Kuya. Nagtataka naman tiningnan ni Kuya sina Joy, at Calyx. "I was just teasing your sister. Lalo kasi siyang gumaganda sa paningin ko kapag naiinis siya." Si Kuya ang kausap niya pero sa akin siya nakatitig. "Uy, ang sweet naman no'n. In fairness sa iyo iha, ang guwapo nitong boyfriend mo. Huwag mo na sungitan. Sige ka, baka mamaya may magkainteres pa riyan na iba," hindi napigilang sabad ng may-edad na rin na tindera sa tabi namin. Napalabi na lang ako. Pati naman kasi si Kuya Arwind ay nakikisali na sa pambubuska sa akin. Tinalikuran ko na silang lahat at nagmartsa na ako nang mabilis palabas sa palengke. "Ineng, hoy, saan ka pupunta?" tawag ni Kuya sa akin. "Uuwi na, bahala kayo riyan!" sigaw ko sa kanya. "Sweetheart, I mean Pam, waittt!!!" Habol-habol ako ni Calyx. Nang maabutan niya ako'y hinawakan niya agad ang kanang kamay ko kaya naman napahinto ako sa paglalakad. Para kasing may nanulay na kuryente sa mga kamay ko dahil sa paghawak niya sa akin. "Ano ba? Bitiwan mo nga ako," angil ko kunwari sa kanya sabay hila ng kamay ko. "Sorry na. I won't tease you again. Huwag ka na magalit." Humarap ako sa kanya. Pinipigilan ko ang dibdib ko sa pagtahip kahit pa nagririgodon na ang pintig ng puso ko. B'wisit na lalaking ito. Bakit ba kahit may kasalanan siya sa akin at sa pamilya ko, anlakas pa rin ng pintig ng puso ko para sa kanya? "Sinasabi ko sa iyo ha, kapag naulit pa iyan huwag ka na talaga magpapakita sa akin kahit kailan. Hindi pa kita napapatawad sa ginawa mo sa pamilya ko. Baka akala mo, okay na tayo?" Naniningkit ang mga mata ko sa kanya. "Okay, I promise." He raised his hand to swear. "Mabuti na 'yung malinaw. Kung si Lola Sefa at ang mga kapatid ko ay nauto mo kaagad, puwes 'wag mo ako igaya sa kanila," pagkasabi ko niyon ay muli akong tumalikod. Ang hirap pala maging artista. Ang hirap magpanggap lalo na't sarili mong damdamin ang nagkakanulo sa iyo. Narinig ko na ang mga boses nina Kuya Arwind at Joy na palapit sa amin. Subalit nanatili akong nakatalikod. Kun'di pa ako inakbayan ni Kuya ay hindi ko sila haharapin. "Ineng naman. Ang hilig mo talaga sa ganyang eksena. Noong una may pa-run away bride ang drama mo. Ngayon naman may pa-walk out scene ka naman. Tsk!" "KUYA!!!" alsa-boses ko na kay Kuya Arwind. "Oh, galit ka na naman niyan?! Nawala ka lang ng matagal, daig mo na ang hindi niregla ng isang taon, Ineng!" Napapadyak na ako sa lupa dahil sa kung ano-anong lumalabas sa bibig ni Kuya. Wala talaga sa hulog ang mga biro nito. Sa halip na bigyang-pansin ang tantrums ko ay si Calyx ang hinarap ni Kuya. "Sir, iuuwi ko po muna itong mga kapatid ko. Baka nagugutom na kasi si Pamela kaya tinotopak, eh." "Let's just use my car. Pagkahatid natin sa kanila sa inyo, saka mo ako ihatid sa CHSA," sabi ni Calyx. "Aprub, Sir." "Pam, Joy, hop in." Ipinagbukas kami ni Calyx ng pintuan ng backseat ng kotse niya. Si Kuya naman ang nagbukas ng pintuan ng upuan sa tabi ng driver's seat para sa kanya. Nang makasakay na si Calyx ay sumakay na rin ito't pinatakbo na ang sasakyan. Habang nasa biyahe ay panay ang sulyap ni Calyx sa akin sa likuran. Para maalis ang naghahalong kilig at kaba sa dibdib ko'y itinuon ko na lang ang atens'yon ko sa labas ng bintana. Pagdating sa tapat ng bahay namin ay nagmamadali akong bumaba kasunod si Joy. Inginuso ko na lang sa kapatid kong babae ang bulaklak na ibinigay ni Calyx sa akin kanina. Ibinaba niya ang salamin ng bintana sa side niya. Ang lapad ng ngiti ng loko nang makita niyang yakap ko ang bulaklak na galing sa kanya. "Pam, how about your promise earlier?" tanong niya na nagpataas ng kilay ko. Inirapan ko siya. "I am keeping my promise to you that I'll do my best para makabawi sa kasalanan ko. How about you? Can we go out on a date tonight?" "Mukha mo date! I-date mo si Lola Sefa kung gusto mo," parang batang sagot ko. Pinatulis ko pa ang labi ko para mas dama niya ang pagka-asar ko sa kanya. Umangat ang sulok ng labi niya. Nilaro ng mga daliri niya ang maninipis na buhok sa baba niya. Bahagyang tumiim din ang kanyang anyo. "Hmmm...I never thought na hindi ka pala marunong tumupad sa usapan, Pam!" nakaarko ang kilay na turan niya. Napalunok ako nang magkasalubong muli ang tingin namin. Nandito na naman ang kakaibang kabog sa dibdib ko. Parang ang haba ng bawat sandali habang nakatutok ang mga mata namin sa isa't-isa. There's something in his amber eyes na parang hinihila ako para titigan siyang mabuti. Napakurap ako nang may tila dumaan na kung ano sa ala-ala ko. Pero muli ko rin inalis iyon sa isipan ko. "S-sige payag na ako. B-but not tonight!" nauutal na saad ko. "How about the day after today?" Umiling ako. "Then, when?" "I'll think about it first. Bakit ba nagmamadali ka? May nakapila ka bang ibang ka-date? Sila na lang kaya ayain mo?" "Silly." Ngumisi siya sa akin. "Of course, ikaw lang ang gusto ko maka-date. I won't make myself look stupid doing what you want, kung iba ang gusto ko!" "Ehemm..." Umubo si Joy sa tabi ko. "I'll just wait kung kailan mo gusto. Sige na pumasok na kayo. Baka nagugutom ka na. Eat well, Sweetheart." "Sabi nang 'wag mo na uulitin 'yon, eh!" Hahampasin ko sana siya ng bouquet ng bulaklak ngunit agad naman akong hinila ni Joy sa aking braso. "Tss, Arwind... let's go!" utos na niya kay kuya habang nakangiti. "Bye, Sweetheart!" pang-aasar pa niya. Pinasibad na ng takbo ni Kuya ang sasakyan ni Calyx palayo. Naiwan kami ni Joy na nakasunod na lang ng tingin. "Naku, Ate Pam, obvious ka na masyado. Huwag mo na pigilan. Bagay naman kayo, eh!" tudyo niya sa akin. "Heh! Isa ka pa. Kanina ka pa, Joy." "Kasi naman, Ate Pam, halata naman na may gusto ka rin kay Sir Calyx. Namumula ka pa nga nang husto kanina." "Akala mo lang iyon. Diyan ka na nga." Tinalikuran ko na si Joy at nauna na akong pumasok ng bahay. Dumiretso ako sa kuwarto ko at ini-lock ang pintuan. Napatitig ako sa pumpon ng mga puting rosas na hawak ko. Inamoy-amoy ko iyon. Aaminin ko, kinikilig ako sa ginagawa ni Calyx. Pero, ayokong basta na lang maniwala sa kanya. Nag-aalangan ang puso ko. Gusto ko muna makatiyak na seryoso siya sa mga sinasabi niya. Saka ko aaminin sa kanya ang totoong nararamdaman ko at pati na rin ang tungkol sa mga anak namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD