KABANATA 29

2330 Words
SOMEONE's POV "My God, I can't believe it! Is this really true, Oliver? K-kaya pala when I saw the pictures of her babies, iba talaga ang pakiramdam ko. 'Yon pala ay dahil anak sila ng kuya mo! They really have a huge resemblance to your older brother!" naiiyak niyang pahayag sa kanyang anak sa telepono. Masaya siya knowing na ang babae palang nabangga ng driver niya about two months ago ay ang babaing matagal na palang hinahanap ng kanyang anak na panganay. At maligaya siya dahil nalaman niyang mayroon na siyang mga apo sa babaing iyon. Ngunit ang isang bahagi ng puso niya ay mayroong nadaramang takot at pangamba. What if malaman ng anak niya na siya ang nakabangga sa babaing iyon? Siguradong mas magagalit ang kanyang anak na si Calyx sa kanya. Alam niyang puno ng pagkasuklam para sa kanya ang panganay niya dahil sa ginawa niyang pag-iwan dito noon at sa ama nito. Tapos ngayon, nadagdagan pa ng aksidenteng kinasangkutan nila ng babaing minamahal nito. "Well, I'm so happy to know na magiging Uncle na pala ako! At si Kuya, sigurado akong mas matutuwa 'yon kapag nalaman niyang may anak na pala sila ni Pamela. At kambal pa," masaya rin sambit ng kanyang bunso sa kabilang linya. The day na inihatid niya sa bahay ng mga ito sa Santa Monica ang babaing nabunggo nila ng driver niyang si Danilo, pinuntahan niya rin ang anak na bunso sa kumpanya ng kapatid nito kung saan ito nagtatrabaho bilang PA nito. Gusto niya kasing makatiyak sa nabuong kutob sa isipan niya. Nang ipakita kasi sa kanya ng babae ang pictures ng kambal na anak nito'y ang anak na panganay agad ang pumasok sa isipan niya. Kamukhang-kamukha ni Calyx ang mga ito when he was still a baby. Her mother's instinct told her to seek for her other son's help to confirm her doubt. At ngayon nga ay isinend ng anak sa kanya ang mga larawan ng babaing ikinukuwento nito sa kanya na matagal nang hinahanap ng kanyang anak na si Calyx. It's confirmed! Tama nga ang hinala niya na anak ni Calyx ang mga batang nasa phone gallery ng babaing iyon. Ang babaing 'yon na sa awa ng Diyos ay nakaligtas sa aksidenteng ang driver niya ang may gawa. "Congrats, Mommy. You're now a certified Granny. Woohoo...I know you can't wait anymore to see your grandchildren," tuwang kant'yaw nito sa kanya. "S-son? Does your brother know about his children?" naisip niya biglang itanong dito. "Nope. I don't think he has an idea about them. Ang sinabi lang niya sa akin ay bumalik na si Pamela sa kanila. Maybe, she's not yet telling Kuya na nagkaanak silang dalawa." "A-anak, kinakabahan ako. P-paano kapag nalaman ng kuya mo na ako ang nakadisgrasya kay Pamela? Baka mas lalo siyang magalit sa akin? Baka mas lalo niya akong hindi mapatawad?" Her heart's beating too fast out of fear. Lalo na't base sa mga kuwento ni Oliver sa kanya noon ay madly in love ang panganay na anak sa babaing 'yon. Sukdulan na makagawa ito ng hindi tama para lamang kay Pamela. "Mom, it wasn't your fault. It wasn't anyone's fault. It was just an accident. Besides, you've done your part. Ipinagamot mo naman si Pamela, you even took care of her." Ang tinig nito'y puno ng simpatiya sa kanya. "I want to see my grandchildren, your neices, Oliver. Gusto ko sila mayakap at mahalikan. Sana, kahit sa kanila man lamang, makabawi ako sa pagkakamali't pagkukulang ko sa kapatid mo. Alam mo ba 'Nak, sa pictures pa lamang ay sobra na ang naramdaman kong lukso ng dugo para sa kanila. P-paano pa kaya kapag makita ko sila sa personal?" aniya kay Oliver habang unti-unti nang namamalisbis ang luha sa kanyang pisngi. Sa isip niya'y naglalaro ang imahe ng mga apo na nakita sa cellphone ni Pamela. Naririnig siya ni Oliver na humihikbi kaya naman pinabayaan muna siya nitong ilabas ang nararamdaman niya. Nang sa wakas ay naampat na ang pagtulo ng kanyang luha ay saka ito nagtanong muli. "Ano ang balak mo gawin ngayon, Mom? Do you want to introduce yourself to Pam as her children's grandmother? Gusto mo na ba magpakita kay Kuya para makapag-usap kayong dalawa?" "N-no. Hindi pa sa ngayon, 'Nak. Wala pa akong sapat na lakas ng loob para harapin ang Kuya mo. I know, it's been twenty-four years, pero k-kasi sa ginawa ko sa kanila ng daddy niya, baka ipagtabuyan niya lang ako kapag nagpakita ako sa kanya," alanganing saad niya. "Mom, wala naman mawawala if susubukan mo. Besides, sabi mo nga, gusto mo makabawi kahit sa mga apo mo na lang, 'di ba? How are you going to do that if you still don't want to talk to him? Malay mo naman, nagbago na siya ng takbo ng damdamin patungkol sa'yo. Gaya ng naging malaking pagbabago niya mula noong mahalin niya si Pamela," malumanay na paliwanag ni Oliver sa kanya. "Paghahandaan ko muna, 'Nak. Siguro one of these days. Pero sa ngayon, kahit si Pamela muna ang lalapitan ko. I could sense naman na mabuti siyang babae. Siguro ay siya muna ang kukuhanin ko ang loob, para naman masilayan ko na rin ang mga apo ko. Baka matulungan din niya ako sa Kuya mo kung saka-sakali man." Iyon na lang ang naisip niyang gawin at sabihin sa anak. She'll find ways para mabisita muli ang dalaga at mapalapit dito. Sabik na siyang makita ang mga apo sa kanyang panganay na si Calyx. Siguro naman, kapag nakita ng anak niya na that she's making an effort to be a good grandmother, makuha siya nitong mapatawad kapag nagka-usap silang mag-ina. Matapos ang ilang minuto pang kuwentuhan nila ni Oliver sa telepono ay nagpaalam na ito sa kanya. Mayroon pa raw kasi itong importanteng gagawin na utos din ng kuya nito. Muli niyang pinagmasdan ang mga litrato ni Pamela. Napangiti siya dahil magaan ang loob niya sa dalaga. At ngayong alam na niyang ina ito ng mga apo niya, mas lalong gusto niyang mapalapit dito. --------------------------------------------- CALYX's POV Halos ay mag-iisang buwan na rin magbuhat nang umuwi si Pamela sa kanilang bahay ngunit masungit pa rin ang pakikitungo niya sa akin. Hindi ko naman siya masisi dahil sa bigat ng kasalanang nagawa ko sa pamilya niya. Subalit kahit gano'n pa man ang ipinapakita niya'y masugid pa rin akong bumabalik-balik sa kanila. Sa sobrang tindi nga siguro ng galit niya sa akin ay talaga namang pinahihirapan niya ako. Maliban sa ginawa niyang pagpapatinda sa akin ng mga isda't iba pang seafoods sa palengke, ginawa niya rin akong utos-utusan sa tuwing binibisita ko siya. Nariyan na pinaghukay niya ako ng kanal sa gilid ng bahay nila, pinaghugas niya ako ng mga pinggan at ginawang taga-linis ng bahay nila. Hindi ko naman magawang humindi sa kanya. Ramdam ko naman kasi na may pagtingin din siya sa akin, ngunit natatakpan ng galit ang kanyang damdamin. Kaya habang panay pakipot siya sa akin, kinuntsaba ko si Arwind para pagselosin si Pamela. Mabuti na lang at magkasundo na kami ng kuya ni Pam kaya sinakyan din nito ang plano ko. Hustong mahigit isang linggo na rin siguro na hindi ako bumibisita sa kanya. Panay ang labas ko kasama ng mga modelong binayaran ko para maka-date ko. Sinisigurado ko na makararating sa kaalaman niya ang pakikipagmabutihan ko sa ibang babae. At natutuwa ako kapag ibinabalita ni Arwind na palagi raw akong itinatanong ni Pamela. Nagdadahilan lang daw ito pero ramdam niya rin na hinahanap-hanap na nito ang presensiya ko. At nagseselos ito dahil may kasama ako palaging iba't-ibang babae. ** ** ** Nagkakape ako sa dining area nang marinig ko ang iyak ng mga apo ni Manang Binang. Sobrang napalapit na ang loob ko sa dalawang sanggol kaya ako na ang nagkukusang bumili ng mga gamit at pangangailangan nila. Awang-awa ako sa kanila dahil hanggang ngayon ay wala pa rin tanda na babalikan sila ng kanilang ina. Isa pang problema ay nahulog sa bus patungong Santa Monica ang cellphone ni Manang noong pabalik siya rito noon sa mansyon at hindi niya rin kabisado ang numero ng pamangkin. Linggo-linggo tuloy ay pinasasamahan ko na lang siya sa tauhan ko para balikan ang bahay niya at baka-sakali na mayroong balita kung nakagawi ba roon ang pamangkin niya. Ngunit sa tuwina ay bigo siyang bumabalik dito para lamang sabihin na ni hindi man lamang daw nakabisita roon ang nanay ng mga sanggol. Sa totoo lang, nakagagalit ang pamangkin niya. Dangan lamang at wala naman akong karapatan magsalita. Amo niya lang naman ako. Tumayo ako at mabibilis ang mga hakbang na tinungo ang silid ni Manang kung nasaan ang kanyang mga apo. Binabantayan ang mga ito ni Aira, isa sa mga kasambahay namin. "Why are they crying?" kunot-noong tanong ko. "Eh, Señorito, dumumi po parehas ang mga sanggol, eh. Lilinisan ko na dapat itong si Charity, umiyak naman itong si Caitlyn. Hindi ko tuloy maintindihan kung sino ang uunahin ko sa kanila," katuwiran nito. Napapalatak ako, wala pa naman si Manang ngayon at pinabalik ko sa bahay niya upang sumubok na makibalita muli roon. "Clean Charity, and I'll clean Caitlyn's poop. Namumula na sa kaiiyak 'yang mga babies, oh!" utos ko sa kanya. Natulala ito sa akin. Hindi niya siguro expected na sasabihin ko 'yon. "Pero sigurado po ba kayo?" "Oo naman, sige na at tanggalan mo na ng dumi 'yang isa. Ako na ang bahala rito sa isa," seryosong wika ko. Dahan-dahan kong inangat mula sa kuna si Caitlyn at maingat na inilapag sa kama. Ang totoo'y diring-diri ako sa amoy at hitsura ng dumi ng sanggol. But, I can't explain the feeling while I'm cleaning her poop. Ang gaan ng pakiramdam ko habang ginagawa iyon. Mabuti na lamang at napanood ko na si Manang gawin iyon kaya may idea na ako kung paano. Nang malinis na at napalitan ko na ng diaper si Caitlyn ay kusa na itong tumigil pag-iyak. Gayundin si Charity na panay na ang ngiti sa kama. Nilalaro ko ang mga kamay ng dalawang sanggol nang mapasulyap ako sa orasan na nakasabit sa dingding ng kuwarto. It's already eight in the morning. Napatapik ako sa aking noo. Kailangan ko nga palang pumunta sa CHSA ngayon for a meeting sa ganap na alas-diyes ng umaga. Pero hindi ko naman maiwanan basta ang mga apo ni Manang kay Aira. What if sabay na naman mag-iyakan ang mga ito, at mahirapan mapatahan ni Aira? "Aira dressed them up. Isasama ko na lang sila sa office ko. Ikaw rin, isasama ko. Prepare their things and milk. Maliligo lang ako saglit. Kailangan pagbaba ko, nakagayak na sila." "Sige po, Señorito," tipid na sagot nito. Mabilis akong umakyat ng silid ko at naligo. Pagbaba ko'y nasa stroller na ang mga babies at bagong palit na ng mga damit. Tamang-tama rin at na nasa labas na ng bahay si Arwind. "Carry their things inside the car," utos ko muli kay Aira. Kinuha ko ang stroller mula sa kanya at ako na ang nagtulak niyon palabas. Nagtatakang nakatingin si Arwind sa stroller na tulak-tulak ko. "Sir? Kaninong anak po ang mga 'yan?" "Apo sila ng kasambahay namin. But she ain't here now, kaya dadalhin ko muna sa trabaho ang mga ito." "Gano'n ba? Akala ko'y mga pamangkin ninyo," ani Arwind. "Nope, puro single kami rito sa bahay. Pero malay mo, kapag bumait na sa akin ang kapatid mo...magkaroon na rin ako ng ganito!" tukoy ko sa mga sanggol. Kinarga ko si Caitlyn at ipinasok sa loob ng sasakyan. Inihiga ko ito sandali sa upuan at inangat ko rin buhat sa stroller si Charity. Inutusan ko si Aira na ilagay sa compartment ang stroller. Nang nasa loob na kami ng sasakyan ay buhat ko pa rin si Charity. Si Caitlyn ay kalong naman ni Aira. Pansin ko ang pagkunot ng noo ni Arwind nang masulyapan ang hitsura ng mga sanggol. "Sir, kung 'di ko lang alam na wala kayong sabit at pumoporma ka sa kapatid ko, iisipin ko na anak ninyo 'yang mga sanggol na iyan, tss..." sabi niya habang napapailing. "What? Bakit mo naman naisip 'yan?" "Eh, Sir, kamukhang-kamukha ninyo kaya 'yang mga babies. Para kayong pinagbiyak na bunga, eh." Napangiti na lang ako dahil sa obserbasyon niya. Pero it made me recall what my cousins Gabby and Gabrielle told me. They also have the same thought as Arwind. Malaki nga raw ang pagkakahawig ko sa mga apo ni Manang. Even Gavin teased me about my resemblance with these babies. Nagpalipat-lipat tuloy ang tingin ko sa mga sanggol. I honestly can't explain the joy that I felt within me, dahil sa ideya na iyon. Mas naging eager tuloy akong ampunin ang mga babies na ito. "Siyanga pala, Arwind. How's Pamela doing? Is she still asking about me?" Malakas itong tumawa. "Naku, sinabi mo pa, Sir. Kanina nga ay nagtanong sa akin kung saan raw kita ihahatid ngayon. Nami-miss ka na siguro noon, ayaw lang umamin." Lumuwag yata lalo ang pagkakangiti ko. I also miss her, gusto ko na rin siya ulit makita. "I'll go to your house later. Siguro pagkahatid natin sa mga babies na ito mamaya sa bahay." "Aprub, Sir. Sigurado akong kikiligin at matutuwa 'yon si Ineng kapag nakita ka." Pagsapit namin sa building ng CHSA ay inutusan ko si Arwind upang bisitahin ang ipinagagawa kong auto shop na malapit lang din sa kanila. I just asked him to fetch me again after lunch. Siguro, by that time, nakauwi na rin si Manang sa mansyon. Pinagtitinginan ako ng mga empleyado ko dahil ngayon lang nila nakita na may kasama akong mga sanggol. Alam naman nila kasing papalit-palit ako ng ka-date. Pero, never nagseryoso sa mga babae. I'm single at wala naman napapabalitang naanakan ko. They're confused kung anak ko ba ang mga ito. Kaya naman nagbiro ako sa kanila na anak ko ang mga sanggol na nasa stroller. Hindi ko naman expected na sa labas pala ng CHSA ay may isang taong gulat na gulat din sa kanyang nakita na may kasama akong mga sanggol.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD