Tumitig muna siya sa aking mukha. Pansin ko'y may balak itong sabihin. "Gusto mo bang hawakan ang crayolang sinasabi mo?" namamaos na tanong niya sa akin. Napanganga ako sa tinuran ng binata. Parang na sabik ako at medyo kabado rin ng 'di ko mawari. My Gosh! Ano bang gagawin ko? Hahawakan ko ba ang crayola nito? Nalilito tuloy ako. "Bakit hindi ka na makapagsalita riyan? Gusto mo ba? Oh, Gusto mo talaga?" Ha? Parang naguluhan yata ako sa tanong ng lalaki. Nagbigay nga nang pagpipilian pero parihong tanong naman. Mayamaya pa'y kinuha nito ang isang palad ko. Nanlalaki rin ang mga mata ko nang dahan-dahan niyang inilapit sa ibabang bahagi ng pants nito ang kamay ko. Parang nanuyo tuloy ang lalamunan ko, kahit ilang beses pa akong lumunok. "Master Tres! Master Tres!" napapitlag ako a

