Nagising ako sa isang musikang nakakaakit pakinggan. Tila may humatahak sa akin upang imulat ang aking mga mata, kaya naman dahan-dahan kong binuksan ang aking talukop. Ganoon na lang ang pagkamangha ko nang masilayan ko ang tatlong lalaking nakatalikod sa akin. Habang ang beywang nila ay gumigiling upang sabayan ang maharot na musika. Naglakbay rin ang mga mata ko pababa sa pwetan ng tatlong lalaki. At ang tanging suot lang nila ay boxer. Wala rin silang suot na pang-itaas. "S-Sino kayo?!" pasigaw na tanong ko sa kanila. Wala akong narinig na salita mula sa tatlong lalaki. Ngunit sabay-sabay naman silang humarap sa akin. At ganoon na lang ang gulat ko dahil magkakamukha silang tatlo. Jukso po! May mga kakambal ba si Senyorito Blake? Lalo akong napanganga nang sabay-sabay silang nag-a

