"Mahal kong inay, huwag kang mag-alala dahil bukas na bukas din ay pupunta ako sa bar para mangholdap ng mga lalaki. Upang mabigya na kita ng isang dosenang apo!" palatak ko sa aking mahal na ina. "Sana lang ay makaholdap ka, Osang," mapang-asar na sagot sa akin ni inay. Bigla akong napasimangot sa tinuran nito. Parang walang bilib sa akin ang inay ko. "Parang wala po kayong bilib sa akin inay? Huwag kang mag-alala bukas na umagang-umaga ay pupunta na agad ako sa bar," nagtatampong sabi ko. Bigla naman humagalpak ng tawa ang inay ko, nalabis kong pinagtataka. Parng gusto ko tuloy maglupasay sa lupa dahil inaasar pa ako ni inay. "Inay!" bulalas kong nagtatampo. "Nakakatawa ka naman kasi Osang anak. Talagang pupunta ka pa ng bar. At mangho-holdap ka pa talaga. Ano iyon, bangko lang, An

