Nakita ko ang nagbabagang tingin nito sa akin. Mayamaya pa'y bumangon na nga ito sa kama at alam kong sa akin siya lalapit. Ako naman ay nagmamadaling tumalikod para pumunta sa pinto. Taranta pa nga akong binuksan ang pinto, baka kasi maabutan ako ng binata. Para akong ipo-ipo sa bilis nang mga pagkilos ko. Hanggang sa makababa na ako ng hagdan. Tumigil lang ako sa pagtakbo nang papalabas na ako sa kabahayan. Ngunit. . . Nagulat na lang ako nang may biglang humawak sa aking braso. Pagtingin ko sa taong may kagagawan noon. At nabanaag ko agad sa mukha nito ang inis sa akin. "Ako na ang maghahatid sa 'yo!" asar na sabi nito sa akin. Pagkatapos ay basta na lang akong hinila patungo sa kotse itong nakahimpil. "Get in!" galit na utos nito sa akin. At kulang na lang ay ipagtulakan ako papas

