Matuling lumipas ang araw at buwan. Pero heto pa rin ako sa pamamahay ng amo ko. Ngunit napapansin ko na palaging busy ito at umaalis ng bahay. Minsan naman ay nakikita kong may mga kausap na mga ilang lalaki. Ang nakakatakot lang ay may dala-dala silang baril. Napabuntonghininga na lang ako. Medyo nawawalan din ako ng pag-asa para magkaroon ng anak. Dahil wala naman talagang nangyari sa amin ng amo ko. Nababasa ko rin naman sa mga pocketbook na masakit daw kapag unang karanasan. Eh, wala naman akong naramdaman kakaiba. Kaya palagay ang loob kong virgin pa rin ako. Pero sa akin puso ay nanghihinayang ako. Siguro'y buntis na sana ako kung nangyari ang aking inaasam. Pabagsak na lang akong nahiga sa sofa na kung saan ako natutulog. Alas osto na ng gabi pero wala pa rin ang amo ko. Sabaga

