Bigla kong naitakip sa aking bibig ang mga palad ko dahil sa aking sinabi. Jusko po! Bakit ba iyon ang nasabi ko? "Are you okay, Manang? Hindi mo nakita. Pero sexy? Pinagloloko mo ba ako?" naiinis na tanong niya sa akin. "Pasensya na po, nagkamali lang po nang sagot," palusot ko sa binata. "Ano'ng totoong sagot mo, Manang?" "H-Hindi ko po talaga nakita, senyorito," turan kong kabado. Bigla naman itong humarap sa akin. Nakita ko agad ang pagkunot ng noo ng amo. Tila hindi naniniwala sa aking mga sagot. "Mukhang napasama ang pagkahulog mo," saad ng binata, pagkatapos ay humakbang sa aking kinaroroonan. Nagulat pa nga ako nang hawak nito ang mukha ko, sabay sunggab sa aking labi na naka-awang. Nang mga oras na ito ay hindi ako makahuma. Parang biglang tumigil ang mundo ko. Ang masama

