Bigla naman tumawa si Tally sa aking sinabi. Tila hindi ito makapaniwala. Ang sarap tuloy hilahin ng buhok nito sa ibaba. "Aalis na muna ako, Osang," paalam nito ngunit nakalarawan pa rin sa labi nito ang pang-aasar sa akin. Tumalikod na ito bang pakembot-kembot pa ang beywang. "Ohhh! Wait nga muna Osang," saad nito sabay tigil nito at pagkatapos ay humarap sa akin. Isang ngisi na naman ang pinakawalan nito sa kanyang mga labi. "Ingatan mo ang mga bulaklak na iyan. Mukhang mamahalin pa naman iyan. Grabe talaga ang manliligaw mo. Siguro hindi siya tao at isa isang tikbalang," saad ni Tally sabay halakhak nito at muling naglakad palayo sa akin. Ako naman ay napapailing sa mga tinuran nito. Nasanay na rin ako sa mga pang-aasar ng babaeng iyon. Muli na naman akong tumingin sa hawak kong

