Nang tuluyan na ngang natumba ang banga at alam ko ring muli na naman itong nabasag, wala halos nagsalita sa aming dalawa. Para bang nagpapakiramdaman kami kung sino ang unang iimik. Mayamaya pa'y ang amo ko na ang unang gumalaw, maliksi itong lumapit sa bangang natumba. Ako rin ay dahan-dahang tumingin doon At ganoon na lang ang pagka-shock ko nang makita kong halos basag na ito nang tuluyan. At ang ikinagulat ko pa'y kinuha ng amo ko ang isang basag na kapirasong banga, pagkatapos ay dinala iyon sa kanyang ilong alam kong aamoyin nito. "Manang! Umamin ka sa akin, kanina pa ba ito basag?!" tanong ng senyorito ko habang ang mga mata ay nakatitig sa akin. Maliksi naman akong umiwas ng tingin dito. Hindi ko kasi kayang salubungin ang titig nitong mapanghusga. "S-Sorry po s-senyorito, h

