Hindi ako makapagsalita sa tanong niya sa akin. Parang nalunok ko yata ang dila ko. Saka pakiramdam ko'y hindi ko maibuka ang aking bibig. Dahil siguro sa takot sa amo ko. Sino ba naman ang hindi matatakot dito. Eh, sa panlilisik pa lang ng mga mata ito ay gusto ko na lang lumubog sa aking kinatatayuan. Pakiramdam ko'y parang gusto rin akong ibato papalabas ng bahay nito. Eh, wala naman akong alam na pagkakamali na ginawa ko sa aking amo. Dapat nga ay matuwa pa ito dahil babayaran ko ang nabasag na banga. Tapos ganito pa ang inaasta nito. "Rosana! Saan mo nakuha ang tatlong milyong ito?!" pasigaw na tanong ulit ng amo ko. "S-Senyorito, m-may i-isang tao po ang nagpautang sa akin...." Lalos magkandabuhol-buhol ang pagsasalita ko dahil na rin sa kaba at kabog ng dibdib ko. Ibang-iba ta

