"Senyorito, hindi naman ako nagpakita sa iyo. Ikaw mismo ang lumapit dito sa aking pwesto. Saka kaya ako nandito dahil pinapupunta ako ng mommy mo rito," sagot ko sa lalaki. "Stks! Magaling kang sumagot babae. Mukhang sa limang buwang nakalipas at pamamalagi mo rito sa Manila ay marami ka nang natutunan, ah," pagpuna nito sa akin. "Ha! Wala naman akong natututunan dito. Natural lamang na sumagot kapag tinatanong ninyo ako," katwiran ko sa lalaki. "Master Tres, puwede na tayong umalis!" narinig kong sigaw ni Danica habang papalapit na kung saan kami naroroon. "Umayos ka..." pabulong na banta sa akin ng lalaki bago tuluyang umalis. Ako naman ay umismid lamang. Dinig ko ring humakbang na sila palayo sa aking tabi. Napabuntonghininga na lamang ako. Lumipas ang mahabang sandali, sa wakas m

